Chapter 23

907 27 8
                                    

CHAPTER 23

Aurelia's POV

MAAGANG natapos ang klase namin ngayon kaya maaga rin akong makakauwi, ngunit akmang lalabas na ako ng classroom ay humarang ang group nila Ashley, Nicole, Blake at Jhonson, presensya pa lang nila ay hindi na maganda, kilala sila rito sa university bilang Fame Squad, si Ashley sikat na Dancer, si Nicole ay Tiktoker kasama si Blake at si Jhonson naman ay drug racer.

Ngumisi si Ashley at tiningnan ako mula ulo hanggang Paa, sa uri palang ng tinging iginawad niya sa akin ay hinuhusgahan na niya ako sa kanyang isip. "Hey, Aurelia. Come on join us, we're going to New opened Club, 3 blocks from our school," paanyaya niya, mabilis akong umiling, hindi pwede.

Ngumiti ako. "Sorry but I'm busy, I can't come," mabilis kong sagot.

Akmang aalis na ako ay hinarangan ni Blake ang dadaanan ko. "Just this once, come on! It is important than us? Famous Squad?" nakakaloko niyang tanong, napatingin sa amin ang ibang student at nagbulong-bulungan.

"Yes, so excuse me, I need to go," saad ko at binangga ko ang braso ni Blake kaya nakaalis ako, rinig ko ang pagtawag nila sa akin ngunit hindi ko na sila pinagbigyan ng pansin.

Hindi ko sila kilalang lubusan, at wala akong tiwala sa kanila, ayaw ko lang na maulit ang nakaraan na pinagsisihan ko buong buhay ko, saka ngayon ay may priority na ako sa buhay at 'yon ang maging mabuting Mama kay Ashtriuo.

Mabilis akong umalis sa lugar at pumunta sa parking lot upang sumakay na sa puting hatchback at makaalis sa lugar, buti na lang at walang traffic dito kaya hindi ako nahihirapan umuwi kahit na minsan ay gabi, gamit kong sasakyan yong sasakyan ni Dad Anthony para service ko sa pag-aaral, medyo may kalayuan ang bahay sa university pinag-aaralan ko kaya ganon.

Pagkauwi ko ay naabutan kong naglalaro at naglalakad si Ashtriuo habang si Nanay Welma naman ay nagpipilo ng nilabhan niya, ng mapansin ako ni Nanay ay agad siyang ngumiti ako bumati.

"Mabuti naman ay nakauwi ka ng maayos, Hija Relia."

Lumapit naman ako kay Ashtriuo, ng makita niya ako agad siyang lumapit sa akin, kinarga ko naman ito at hinalikan sa mukha, ang bango ng baby ko.

"Opo, maaga ang labasan namin, kamusta naman ang Ashtriuo ko? Nagpakulit ba ito?" ngiting tanong ko habang nilalaro si Ashtriuo.

"Nagiging malikot at kong saan-saan nagsusuot ang batang iyan, malingat lang ako ay wala na sa kinauupuan, kaya nga halos hindi ko maiwan, ang kulit ng batang iyan pero okay lang pogi naman," ngiting saad ni Nanay Welma, napangiti rin ako.

Totoo ang sinasabi ni Nanay Welma dahil habang lumilipas ang araw, buwan at maging ang taon ay mas nagiging pogi ang anak ko, mas nagiging kahawig niya ang Papa niya, ang unfair lang na ako nagpakahirap ilabas ito sa mundo tapos sa Papa lang magmamana, nasaan ang hustisya?

Dinala ko na si Ashtriuo sa taas, inilapag ko siya sa kuna at nagbihis na agad ako, simpleng puting sando at black short ang suot ko, tinali ko na rin ang buhok ko, muli kong binuhat si Ashtriuo.

"Nagpakulit ka ba kay Nana Welma, Ashtriuo?" tanong ko, ngumiti lang siya sa akin at tumawa.

Kahit mag-iisang taon pa lang siya ay nakakaintindi na siya at makulit talaga. Pagkababa ko ay mayro'n hinandang meryenda si Nanay na Pancake, cerelac at sandwich meron rin orange juice.

"Salamat, Nanay Welma, meryenda ka na rin po," pang Asya ko, kinuha ko ang cerelac at inumpisahang pakainin si Ashtriuo, magana siyang kumain habang naglalaro ng ng Teddy bear.

Kumain na rin ako ng meryenda, napangiti akong pagmasdan si Ashtriuo, hirap man akong ilabas siya sa mundo ay laking pasalamat ko na dumating siya sa buhay ko, araw-araw akong nagsusumikap na makatapos para na rin sa anak ko, gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng dapat, pagmamahal at atensiyon ko.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now