Chapter 14

861 20 2
                                    

Aurelia's POV

ANONG nakain ni Boss Ashish?! Sana araw-araw ganiyan siya para hindi ako mahirapan, hindi ko maiwasan na matawa sa aking naisip.

Kinalma ko ang sarili ko at tumikhim. "Nakakahiya naman po Boss, ako na po riyan," pilit kong sabi, nakakatakot pala si Boss ka pag seryoso at sinapian ng mabuting espiritu.

"No," matigas na anas niya.

Napanguso ako at palihim na napangiti, tahimik akong naupo at pinagmasdan siya habang nagluluto.

Marunong pala siyang magluto, bawat galaw niya ay pulido halos walang siyang ingay na nalilikha, dalawang tortang talong na lang ang naiwan sa plato na lulutuin niya, oo tortang talong ang niluluto niya. Kahit hindi naman madami ang lulutuin niya dahil may naiwan pa naman ulam kaninang tanghalian.

Tinulungan ko na lang siya sa paghanda ng nga niluto niya, nakakahiya naman kung hindi ko pa siya tutulungan. Nagsimula na kaming kumain, seryoso siya kaya hindi ko maiwasan na titigan siya ng mabuti. Marahan lamang siyang ngumunguya, nasa plato ang kanyang attention, ang ganda ng kanyang panga maging ang kanyang napakatangos na ilong na akala mo ay pinahulma sa bihasang sculpture.

"Tomorrow morning go to the SM and buy groceries, and after that's laundry my clothes," seryoso aniya, nasa pagkain pa rin ang kanyang tingin.

Natapos kaming kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan namin, natulog din agad ako dahil bukas ay marami nanaman akong trabaho. Gusto talaga makikita ako ni Boss na nahihirapan, pero okay lang dahil may bayad naman ang pagiging slave ko sa kanya.

"I'll come with you, since wala naman akong masyadong gagawin dito," napanganga ako sa sinabi ni Boss Ashish kinaumagahan.

Tama ba ang narinig ko?

"Seryoso ka boss? Kaya ko naman po mag-isa," ngiting saad ko. Nangunot ang noo niyang pinagmasdan ako at napatawa siya ng bahagya, 'yong tawang sexy killer 'yong kanyang pang-akit na tawa.

Hindi ko maiwasan titigan siya ng mabuti, lalaking-lalaki pala siya tumawa, maganda sa pandinig kaso nakakatakot dahil playboy siya at sa huli ay paglaruan ka lang pala niya.

Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng nakakakulong ngisi. "In-love ka na ba sa 'kin my secretary? Sabagay sino ba naman ang hindi 'di ba? Sa gwapo ko at yaman halos lahat ng babae gusto akong matikman," halakhak niyang sabi.

Hindi ko maiwasan napangiwi, ang hangin niya ang taas ng tingin niya sa kanyang sarili, napailing ako. "Boss kahit kailan ang hangin mo, saka boss kaya ako nandito dahil sa trabaho ko, magkahiwalay ang trabaho sa personal life ko boss Ashish's," depensa ko. Talaga lang Aurelia? Napaka sinungaling mo.

Tumango siya. "Let's see, by the way i'll come with you, saka wala kang masasakyan pabalik ng manila," giit niya, wala na akong nagawa kundi pumayag ano ba naman ang magagawa ko tama rin naman siya.

Black high waisted jeans and white crop top ang suot ko, pinaresan ko ito ng puting sapatos. Samantalang ang suot naman ni Boss ay Black chinos pants, white t-shirts fitted with black jacket and black sneakers shoes. Hapit na hapit kay boss ang suot na puting t-shirts kaya kitang-kita ko ang magandang hubog ng katawan niya.

Isang puting BMW ang ginamit ni Boss, seryoso si Boss sa pagmamaneho, halos hindi ko na makita ng maayos ang mga puno sa bilis niyang mag drive ng kotse.

"Tomorrow get ready, we're going back to Desire Island," basag niya sa katahimikan sa pagitan namin dalawa.

Napalingon ako sa kanya, seryoso pa rin siyang nakatingin sa kalsada.

Napakurap ako at napalunok. "Business trip Boss?" Babalik nanaman kami sa isla kong saan niya ako unang nakuha.

He silently nodded. "Yes, I need to do some business there and I want you to come with me as my secretary." Napatango ako, oo nga naman secretary/slave nga pala ako nito.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now