Chapter 19

803 12 0
                                    

Warning: Spg

Ashish's POV

MAHIMBING siyang nakahiga sa dibdib ko, dahil na rin sa pagod sa ginawa namin, I let her rest for a while. Maayos ko siyang inihiga sa sofa bed at kumuha ng towel at nilinisan siya, kumuha na rin ako ng bagong underwear at binihisan siya hindi ko na rin binago ang dress niyang suot. Matapos noon ay maingat ko siyang binuhat at inihiga sa kama ko. Nagsalin ako ng alak sa baso at bumaba, naabutan ko Butler Niko na seryosong nagmamaneho ng yate na sinasakyan namin ngayon.

Tumikhim ako dahilan upang mapunta sa akin ang atensyon niya, bahagya siyang yumuko.

Umupo ako sa sofa bed habang tinitingnan ang maaliwalas na panahon, muli akong uminom at binalingan siya. "Ilang minuto na lang bago makarating sa isla?"

"45 minutes Sir," sagot niya habang nakatingin sa suot na relo. Tumango naman ako.

"Did you hear anything?" pahabol kong tanong, nangunot ang noo siya at umiling.

"Wala naman po Boss."

Nakahinga ako ng maluwag, wala naman problema sa akin kung marinig niya ang mga daing ni Aurelia pero ang akin lang is gusto ko ako lang din ang makarinig noon.

Muli akong uminom at kumuha ng panibagong bote sa cabinet ng alak. "Good, naayos mo na ba ang mga pinapagawa ko?"

"Tapos na Boss, tulad ng pinag-uutos mo."

Muli kong sinalinan ng alak ang walang laman kong baso at kinuha ang ilang papeles na pinadala ko kay Butler kanina, kailangan ko ng matapos basahin at permahan.

Nakalahati ko rin ang mga papeles, nang makarating kami sa isla, niligpit ko na ito at pinadala kay Butler Niko, umakyat ako at naabutan ko siyang mahimbing pa rin ang tulog, ganon pa rin ang posisyon niya mula ng ihiga ko, binuhat ko na lang siya dahil hindi naman agad siya magising.

May mga taong masayang naliligo sa dagat, namamasyal. Napatingin pa sa gawi ko ang ilang babaeng foreigners napailing na lang ako, kung dati ay pag-apak ko pa lang sa isla na ito ay halos mankadarapa ang mga babaeng gusto akong maangkin pero ngayon mayroon na akong minamahal ay kusang nawalan ako ng paki sa kanila.

Ilang lakad lang ay nakarating na ako sa mini house ko, pumunta ako sa kwarto ko at maingat na inihiga sa malambot kong kama, inayos ko pa ang ilang hibla ng kanyang itim at mahabang buhok, dinampian ko ng halik ang kanyang pisngi. Habang tulog siya ay tinapos ko na ang naiwang kalahati, umabot ng hapon bago ko natapos ang aking trabaho.

Nakarinig ako ng mga yapak kaya napatingin ako rito at napangiti ng makitang pupungas-pungas na palapit sa akin ang babaeng kanina pa tulog. Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap at hinalikan ko ang kanyang labi.

"Napasarap ang tulog mo, my Au. Masyado ka atang napagod," ngisi kong tukso, namula naman ang kanyang magkabilang pisngi kaya mas napatawa ako.

"K-Kasalanan mo rin naman e," pagsusungit niya, kahit kailan ay hindi siya marunong magsungit.

"Kung gano'n ay aayain na lang kita mag dinner date mamayang gabi, may hinanda akong surprisa," pagmamalaki kong tugon. Nanlaki naman ang mga mata niya, kita ko pa ang excitement at kislap doon.

"T-Talaga?!"

Tumango ako. "Oo, kaya nga magbihis ka na at maya-maya lang ay aalis na tayo."

Lumipas ang 20 minutes ay nakaalis na kami, nakasuot siya ng puting dress na off shoulder na hanggang hita niya ito, napaawang ang labi niya ng makita ang hinanda kong dinner date sa tabi ng dalampasigan, inalalayan ko siyang bumaba hanggang sa cottage kong nasaan ang pagkain namin hinanda ko, simpleng lang ito ngunit special dahil siya ang kasama ko.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now