Chapter 11

908 18 0
                                    

Aurelia's POV

"RELIA bilisan mo, naiihi na ako," nagmamadaling sabi ni Riza habang nagpipigil namumula na rin ang kanyang mukha.

Napailing nalang ako, pa'no kanina hindi na inilabas sa CR ng dumaan kami papasok sa klase tapos ngayon parang mahihimatay na siya sa pagpipigil.

Minadali ko na ang pag aayos ng gamit ko at sinamahan si Riza sa CR. Sumapit ang uwian, inalalayan ko si Riza maglakad dahil sumakit ang kanyang tyan, sa dami siguro ng kinain niya kanilang tanghali sa Cafeteria.

"Sure ka ba na kaya mo pang maglakad?" nag-aalalang tanong ko habang naglalakad kami papalabas kami ng university. 

Marami na rin napatingin sa gawi namin mga estudyante dahil nga sa halos hindi makalakad ng maayos si Riza at kailangang pang akayin ko siya para makalakad na maayos.

Bahagya siyang tumawa. "Gaga ka talaga, ako pa ang tinanong mo kong kaya pa maglakad eh sa ating dalawa ikaw itong dapat kong tanungin kong kaya mo pa maglakad, tandaan mo nawasak ka na," tumatawang aniya.

Ramdam kong uminit ang magkabilang pisngi ko sa hiya sa sinabi niya, napailing ako at napakagat sa aking labi. "Shut up Riza, iwanan kaya kita rito gusto mo?" pananakot ko sa kanya.

Agad siyang umiling. "Ikaw naman hindi mabiro, pasensya na hindi ako makakasabay sa inyo ah." Tumango na lang ako, sasakay kasi siya sa Cab at ako naman ay sa jeep lang sasakay dahil nga nagtitipid ako.

"Okay lang, basta uminom ka agad ng gamot mo pagkauwi," paalala ko.

Nang makalabas kami ay kaaalis lang ng jeep na sasakyan ko, nang makasakay na si Riza ay nag-antay naman ako sa labas, marami na rin nag-uuwian estudyante, marami rin akong kasabayan na nagaantay sa waiting shed dito sa labas ng unibersidad. Medyo dumidilim ang langit na tanda na uulan, marami na rin sumakay na lang sa cab kaysa jeep.

Six twenty five na ng hapon ay hindi pa rin ako nakasakay dahil punuan at rush hour, siksikan ang mga tao sa jeep, akmang papara ako ng cab ng may humintong motor sa harap ko, hindi ko pa ito nakilala dahil hindi ko naman nakita ang mukha niya ngunit ng tinanggal niya ang helmet ay napaawang ang labi ko.

"A-Adrious?"

Ngumiti siya ng matamis at kitang-kita ang kanyang pantay na malinis na ngipin. "That's me Ms. Aurelia, pagabi na gusto mo bang sumabay sa akin?" aya niya sa akin at kinindatan pa ako.

Napailing ako. "Naku 'wag na nakakahiya naman sa 'yo, baka dumugin ako ng mga fans mo," natatawang aniya ko at napalunok, mayro'n kasing mga estudyante na masama ang tingin sa akin ngayon, fans siguro sila ng Adrious.

Umiling siya. "Don't mind them, come with me. Mas mapapanatag ang kalooban ko kong maihahatid kita ng ligtas."

Halos madilim na nga buti may ilaw dito sa waiting shed, saka maraming dumadaan mga sasakyan katakot baka bigla akong kuhanin ng sindikato at ibenta ako mas nakakatakot iyon.

Napatango ako at sumakay sa motor niya. Binigyan din niya ako ng helmet.

"Kumapit ka Ms. Aurelia, ayaw kong ma fall ka sa iba at hindi kita masalo," natatawang biro niya.

Umiling nalang ako at tumawa, tulad ng sabi niya ay kumapit ako sa suot niyang jacket na brown. Malamig na ihip ng hangin ang sumasalubong sa amin, marami siyang nilampasang mga sasakyan, ang kaninang kapit ko sa kanyang jacket ay yakap na. Okay lang ang yumakap ako sa kanya dahil takot akong malaglag at masagasaan ide mission failed ako nito.

Marami kaming nadaaan naglalakihang building na halos hindi ko na makita dahil sa gabi na, madilim na ang langit, may mga bituin na nagkikislapan sa taas isama mo pa ang halfmoon na nagbibigay ng kaunting liwanag kapaligiran. Naging dahan-dahan ang pagpapatakbo ni Adrious sa motor at kalaunan ay hininto na niya ang pagmamaneho sa tapat ng street foods.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now