Chapter 22

855 20 7
                                    

Warning: Physical Violence, strong language, read at your own risk.

CHAPTER 22

Ashish's POV

"BETTER luck next time Mr. Vandross as for now we can't approved the project. Maraming pang hindi magandang idea ang na sa plano at kulang pa ang budget, sa susunod na lang ulit natin ito pag-usapan," umiiling na saad ni Mr. Cruz isa sa mga business partners ko.

I nodded. "I'm sorry to disappoint you Mr. Cruz, my mind is messy right now, I just call you when I fix this proposal," I tiredly murmured.

Tumango siya at lumabas kasabay ng iba pang stockholders at ilan pang stuff ng company. Ito ang unang beses na pumalpak ang proposal ko mula ng mawala si Aurelia, I can't find her anywhere fuck! Hindi ako makapag focus sa trabaho ko at kahit ano pa 'yan. Mabigat ang bawat hakbang ko umalis sa company, I need some air.

Nandito ako ngayong sa Desire Island dahil nalaman kong magkita-kita pala silang hindi man lang ako sinabihan.

Mayro'n sa aking naniwala ngunit mas lamang ang hindi paniniwala, kitang-kita sa video na nakikipag sex siya sa iba tapos ipapa-ako niya ang batang na sa sinapupunan niya, hindi ako tanga para maniwala.

Muli akong nagsalin ng alak sa baso at tuloy-tuloy itong ininom, ramdam ko ang init na dumadaloy sa lalamunan ko pababa.

"Nagpapakalunod ka na lang ba sa alak, bastard Ashish? Fix yourself, 'wag mong sayanging ang buhay mo," umiiling na panenermon sa akin ni Beastfriend Thyro.

"Tama si Kuya Raven, bro Ashish. Pa'no mo siya muling mahahanap o makausap man lang kung sinisira mo ang buhay mo, be a man," ngiting saad ni Cassius's habang tinatapik pa ang likuran ko.

"In the first place dapat hinayaan mo munang magpaliwanag siya, pero mas inuna mo ang galit, selos dyan sa puso't utak mo, you're not thinking Smart, bro Ashish," seryoso at kalmadong pahayag ni Zubin hindi manlang tumingin sa akin bagkos nasa binabasa niyang libro.

Napailing na lang ako, hindi ko alam kong ano pa ba ang tama at mali, alam ko naging gago ako pero nadala lang ako ng matinding emosyon, I lost her, I can't find anywhere, fuck!

Muling nagsalin si bro Lilius's ang alak sa baso at sinalinan rin ako. "Hindi ka ba nagtataka, bro Ashish? O napapansin man lang?" Seryosong tanong niya at napatingin din sa iba pa.

"Anong ibig mong sabihin bro Lilius's," nakakunot ang noo tanong ni Cassius's.

"Na babaero at fuckboy si bro Ashish, alam na namin 'yan," ngising sabat ni Shad.

Sinamaan siya ng tingin ni Lilius's. "Gago hindi 'yon, hindi nyo ba napapansin na parang may mali sa video at may mali sa mga nangyayare," seryosong saad ni bro Lilius's at sumulyap sa akin.

Napaayos naman ako ng upo sa sofa, napalunok ako biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan tanong ko.

Inilabas niya ang cell phone sa bulsa at play ang video, napakuyom ang kamao ko sa basong hawak ng makita kong muli ang video.

"Watch it carefully," si Lilius.

Pinanood ko naman mabuti, wala naman nagbago sa video yon pa rin, sinamaan ko siya ng tingin. "Niloloko mo ba ako, Lilius? Wala naman e!" inis kong singhal.

Napa buntong-hininga naman siya at muling play ang video, at nilagay niya ito sa slow motion, nangunot ang noo ko ng makitang parang may glitch sa video lalo na 'yong lalaki na na sa ibabaw ng girlfriend ko, hanggang sa matapos ang video, napakuyom ang kamao ko, ibig sabihin hindi 'yon ang lalaking palagi kong nakikitang kasama ni Aurelia?

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now