Chapter 30

704 16 11
                                    

Last Chapter

Ashtriou's POV (Aurelia/Ashish son)

MULA nang mawala si mama ay parang namatay na rin si Papa, masyado pa akong bata para maintindihan ang mga nangyayari ngunit pina-paintindi sa akin yon ni Lolodad Anthony, Lolanay at Lolotay, nasaksihan ko rin na lubos silang nasaktan ng mawala si Mama, lalo na ako.

Halos isang taon rin akong nalayo kay Papa dahil hindi niya ako magawang alagaan dahil maski siya ay hindi na kayang alagaan ang sarili niya magmula ng mawala si mama.

Halos mabaliw si papa, araw-araw siyang umiiyak sa kwarto niya, umiinom ng alak, naninigarilyo at dumating pa sa puntong may inuwi siya babae sa bahay naming na akala niyang si mama yon. Kaya naisipan ni Lolodad na kila Lolanay muna ako tumira.

"MAMA!" malakas kong iyak, mas lalo akong natakot dahil sa malakas ang ulan at kulog at kidlat, tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang tainga ko.

Nagmamadaling pumasok sa kwarto si Lolanay at Lolotay, agad akong niyakap ni Lolanay.

"Shhhh! Calm down, Ash apo," pang-aalo niya sa akin.

"Lolanay… where's mama? Gusto ko pong makita si mama," umiiyak kong saad.

"Shhhh, di ba sabi namin sayo nasa heaven na si Mama mo, nandito naman si Lolanay, Lolotay at iba pa," malinaw niyang paliwanag.

Sa unang mga araw at buwan ay nahihirapan parin akong mag adjust, miss ko na si mama pero kahit na umiyak pa ako ng umiyak ay hindi na babalik si mama. Makalipas ang ilang araw na paninirahan kila Lolanay ay isang araw pumunta doon si Papa para sunduin ako.

"Papa?!" tawag ko nakita ko siyang kausap sa labas ng bahay si Lolotay at Lolanay.

"Papa, uuwi na po ba tayo?" tanong ko habang lumapit ako sa kanya, ngumiti siya at tumango.

"Yes son, uuwi na tayo." Agad akong yumakap sa kanya.

"Papa, kung uuwi po ba akong nan doon na si mama? Inaantay po ba ako ni mama doon?" muli kong tanong.

Natigilan sila, napatango si papa. "Oo anak, inaantay kana ni mama mo, halika na umuwi na tayo, she's want also to see you."

Umuwi kami, nakatulog na ako sa byahe, pagka gising ko nasa isang cemetery na kami, naka upo si Papa sa damuhan habang may tinitingnan ito, bumaba naman ako sa sasakyan at pinuntahan si Papa, huminto ako sa harapan niya at tiningnan ang tinitingnan niya, picture ni Mama.

Pinaupo ako ni papa sa tabi niya. "Heres your mom, as I promised."

"Mama, Im here and I miss you mama." Hinawakan ko ang lapida. "mama, ang daya mo po, iniwan mo kami agad, hindi mo na po ba ako mahal? Pangako magpapakabait na po ako, bumalik ka lang sa amin," umiyak kong saad, niyakap ako ni papa.

Mula noon ay palagi na akong kasama kay papa kahit sa business trip niya sa ibang bansa ay kasama ako. Kapag papasok naman ako sa school ay palagi kong kasama ang butler ni papa para daw masigurado niyang safe ako at hindi ako mawawala.

Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng mawala si mama, araw-araw parin akong nangungulila sa pag-aalaga sa akin ni mama pero alam kong mas nasasaktan si papa sa mga nangyayare.

Ngayon nga ay nandito kami sa isang probinsya dahil inaasikaso ni papa ang isa sa mga business na ipapatayo, dahil sa na bored ako sa pag-aantay kay papa sa sasakyan ay lumabas muna ako upang puntahan ang parke na nakita ko kanina. Nang makabili ako ng icecream ay aalis na sana ako ng may nakabangga sa akin, ngunit pagangat ko ng paningin ko ay nakita ko ang taong matagal ko ng pinangarap na muling makita… si Mama.

Ashish's POV

Maingat ko binaba ang bulaklak kong dala sa ibabaw ng libingan niya, sinindihan ko narin ng bagong kandila, hanggang ngayon ay sariwa parin sa alala alala ko ang bawat detalye, ang isa sanang pinakamasayang araw ko ay naging masamang trahedya.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now