Chapter 18

771 23 0
                                    

Warning: Spg

Aurelia's POV

TALAGA ngang tinutoo ni Boss ang panliligaw sa akin, dahil magmula ng sinabi niyang liligawan niya ako ay tinuloy-tuloy na niya, kasama na roon ang pagiging makulit niya at tungkol naman sa isang truck ng sanitary napkins ay ipinabalik ko sa kanya, anong gagawin ko sa dami no'n? Buti na lang at hindi siya umangal pa.

Kapag pumapasok ako sa opisina ay mayroon bulaklak sa itaas ng table ko, pero ngayon ay may dagdag na, mayroon ng breakfast food. Nakaupo si boss sa office table niya habang nagbabasa nanaman, araw-araw na lang ay 'yan ang ginagawa niya. Inilagay ko sa upuan ang shoulder bag na dala ko ay kinuha ang na sa lunch box, napaawang ang labi ko ng mabuksan ito, amoy ko ang mabango pagkain mula rito.

Napatingin ako kay boss at napalunok. "Boss Ashish, bakit may breakfast dito sa itaas ng lamesa ko?" Alam kong sa kanya galing ito gusto ko lang talaga siyang tanungin.

Napatingin siya sa akin ng seryoso at bahagyang ngumiti. "Para maiba naman, at isa pa napapansin kong nangangayayat ka, kumakain ka pa ba?" nababakasan ng pag-aalala niyang tanong.

Nagulat ako, nag-aalala ba siya sa akin? Palihim akong napatawa at inayos ko ang tayo ko. "Oo boss, kumakain ako tuwing pumapasok sa school at trabaho." Hindi naman ako umaalis ng condo na hindi kumakain.

Tumitig siya sa akin na para bang inaalam kong nagsasabi ako ng totoo, tumango siya at napatingin sa lunch box sa itaas ng office table ko. "Just eat that, I cooked it for you, don't waste it," aniya.

Napaawang ang labi ko, napatingin ako sa niluto niyang pagkain. Sinapian nanaman ba siya ng mabuting espiritu?

"Pero boss oras ng trabaho ko hindi pagkain," pagdadahilan ko, sa katunayan gusto kong kainin ang niluto niya dahil first time niyang ginawa ito at siya marunong mag luto?

Umalis siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin, ngayon ko lang napansin ang suot niya, nakasuot ng dark blue trouser pants with black belt, white long sleeve at dark blue vest with 4 buttons and watch on his waist, napalunok naman ako ng huminto siya sa tapat ng table ko at yumuko siya. Pinantayan niya ang mga mata ko, ang kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng killer's smile ang kanyang mapulang manipis na labi.

"If you can't eat that," binitin pa niya ang sinasabi niya at mas lumapit pa sa akin at bumulong sa tenga ko. "I'll eat you here right now," matigas niyang sabi at nababakasan ng pagiging seryoso gagawin talaga niya.

Malakas na nagwala ang puso ko sa aking dibdib, nagtaasan ang balahibo ko sa batok dulot ng mainit niyang hininga na kumikiliti sa akin, mabilis akong napaatras at muling kinuha ang lunch box.

"K-Kakainin ko na Boss," kandautal-utal kong sabi at agad na kumain ng niluto niya.

He nodded and smile at me. "Good, ubusin mo 'yan or face my punishment to you," pagbabanta niyang sabi at bumalik sa kanyang upuan.

Wala na akong nagawa kundi kainin ang niluto niya, mukhang simple lang ang hinanda niya tulad lang din ng pang-umagang breakfast pero alam kong pinaghirapan ito ni boss, may effort. Habang kumakain ako ay mayro'n kumatok sa pintuan akmang tatayo na ako upang buksan ng pigilan ako ni boss.

"Don't." aniya. "Come in Butler Niko."

Pumasok naman si Butler Niko, napatingin sa akin si butler at bahagya pa siyang nagulat dahil kumakain ako sa oras ng trabaho, tipid siya ngumiti sa akin at tumango, sinuklian ko rin siya ng tipid na ngiti.

"Good morning, Sir Vandross," formal niyang bati kay boss.

Tumango naman si boss at tinuro ang isang tambak na papeles na katatapos pa lang niya permahan. "This document distribute it to the rightful owners, thank you." Bahagya pang nagulat si Butler ng magpasalamat si boss.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now