Epilogue

837 18 4
                                    

Epilogue

Warning: Matured content ahead, please be aware. Read at your own risk.

Ashish's POV

"S-SIGURADO ka ba talaga h-hijo?" hindi mapakaling tanong ni Tita habang yakap ang Tito Marko.

Inutos ni dad na sunduin ang pamilya ni Aurelia, dahil kailangan nilang malaman ang totoo tungkol sa anak nila. Napabuntong hininga ako at tumango, kinuha ko ang tablet at binigay sa kanila. Agad naman tumulo ang luha ni Tita ng makita ang mukha ng anak karga ang anak ko, ang mga mata niyang nabakasan na labis na kagalakan at pangungulila ang kanilang mga mata.

Lumapit naman si Ashtriuo at niyakap ang Lolanay at Lolotay niya. "Sinabi ko po sa inyo eh, buhay si mama at mayroon pa akong kapatid na babae," nakangiti nitong saad, napangiti rin sila Tito at Tita.

Tumikhim ako kaya napunta sa akin ang atensyon nila. "Ngayon araw ay balak kong bawiin ang mag-ina ko mula kay Adrious na kumuha at naglayo sa pamilya ko. H'wag po kayong magalala tito, tita, babawiin ko ang anak nyo," seryoso kong sabi, nabuhayan naman ng pag-asa ang kanilang mga mata.

Kumain muna kami bago umalis, tinawagan ko na rin ang mga pulis na sasama upang hulihin si Adrious. Sakay ng dalawang itim na rolls-royce cullinan at sabay-sabay na umalis, kasama ang mga pulis sakay ng limang police mobile. Nakasakay sa kotse ko si dad sa backseat, samantalang ang anak ko ay nasa katabi ko, sa kabilang kotse naman si tito Marko kasama ng pamilya niya, kasunod namin ang mga pulis.

Inabot kami ng limang oras sa byahe dahil huminto pa para kumain ng tanghalian, hindi kalayuan sa bahay ni Aurelia kung saan mapuno at madamo ay doon kami huminto, agad akong bumaba at pinuntahan sila tito at tita, lumapit sa amin ang pulis.

"Hindi po tayo basta-bastang sumugod sa lugar at baka mapahamak ang mag-ina nyo sir," paalala ni Pulis Wener.

Humawak sa akin si Ashtriuo, ginulo ko ang buhok niya at lumuhod ako sa harap niya. "Kahit anong mangyari rito ka lang sa kotse maliwanag ba anak?!" mahinahon kong tanong.

"Hindi po ba akong pwedeng sumama para iligtas si mama at kapatid ko papa?" inosente nitong tanong, napabuntong hininga ako at ngumiti.

"Mas gusto ni papa na ligtas ka, kasama mo naman si Lolanay mo mamaya. Promised I will save your mother and sister." Nakataas pa ang kamay ko.

Tumango naman ito at mahigpit na niyakap ako. "Mag-iingat ka po dad, dapat po kasama mo na sa pagbalik si mama at kapatid ko ah?"

"Pangako ko yan anak."

Nag antay kami hanggang sa sumapit ang gabi, makulimlim at malakas ang hangin halatang masama ang panahon, maya-maya lang ay bumuhos ang ulan, lumipas ang ilang minuto ay na-alarma ang mga kapulisan ng makarinig kami ng sigawan sa bahay nila Aurelia, agad akong tumakbo papalapit doon kasama ang mga pulis, napahinto ang mundo ko ng makitang tumatakbo si Aurelia papalayo karga ang anak ko hinahabol sila ni Adrious na may dugo ang kanyang damit.

Dumiretso si Aurelia sa madilim na kagubatan at sinundan namin sila, pinapangako kong babawiin ko ang pamilya kong inilayo sa akin, handa akong ibuwis ang buhay ko para sa kanila.

Aurelia's POV

BASANG-BASA na kami ng ulan, nilalamig, mahigpit kong yakap ang anak ko, ilang minuto na akong tumatakbo papalayo kay Adrious, madilim, masukal, paika-ika na akong tumatakbo dahil ilang bilis na ako natapilok.

May nakita akong isang puno na maraming baging at dahon, dito ko nalang iiwan ang anak ko dahil mas dilikado ang buhay namin kapag magkasama, tulog ang anak ko, sinigurado kong walang nakakapansin o makakakita sa kanya, hinalikan ko muna ito.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now