Chapter 24

930 21 4
                                    

CHAPTER 24

Aurelia's POV

"MARAMING salamat, Ms. Medija hindi nga kami nagkamali sa pagkuha sa 'yo bilang isa sa mga nagde-design ng ipapatayo naming building.

Napangiti ako at tumayo, tinanggap ang pakikipag kamay nila. "Salamat din Mr. Flores at Engineer. Klarino, salamat at ako ang napili n'yo na nagde-design ng isa sa mga ipapatayo nyong establishments, it's my pleasure to be part of your project," pasasalamat ko, hindi mapawi ang ngiti sa labi ko.

Dalawang Linggo pa lang mula na bumalik ako sa Pilipinas ay marami na 'kong natatanggap na tawag, gusto akong kunin para isa sa mga nagde-design ng business building at iba pa related sa pagde-design, houses, restaurant, business building, resort. Pinag-aaralan ko muna at nagbibigay naman sila ng feedback tungkol sa ipinapatayong establishment.

Nang makauwi ako sa bahay agad na sumalubong ng isang mainit at mahigpit na yakap sa akin ang anak ko.

"Mama, ang tagal mo po, miss na kita agad!" malambing na saad niya habang nakayapos ng mahigpit sa akin.

Napatawa ako at ginulo ang buhok niya. "Ikaw naman, sandali lang nawala si Mama miss na agad ng baby ko," panunukso ko sa kanya, napanguso naman siya.

"Mom, I'm not a baby anymore. Malaki na po ako, kaya na po kitang ipagtanggol sa masasamang tao," proud na aniya at pinakita pa ang imaginary muscles niya, mas natawa naman ako.

"Alam ko 'yon, ikaw pa. Love na love ka ni Mama e, at dahil dyan mag bihis kana at mamasyal tayong dalawa," pangbawi ko sa mga nakaraan hindi ko siya na pasyal dahil medyo dumami ang trabaho ko.

Kuminang naman ng mga mata niya at mas niyakap pa ako. "Thank you Mama, sige po magbibihis mo na ako," excited na anas niya, at patakbong umakyat sa second floor.

"Dahan-dahan lang, Ash. Baka malaglag ka," suway ko sa kanya.

Pumasok ako sa kwarto ko at hinilapag sa lamesa ang layout ng ipapatayong establishment, mayro'n yumakap sa akin, napangiti ako at binalingan siya.

"Mama, I'm ready na po!" masiglang sabi ni Ash, habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Ready ka na nga, excited e," ngiting tugon ko, nakasuot siya ng Dark navy camel hair shorts at white t-shirts, at white shoes.

Ngumiti siya at mas lumabas ang malalim niyang dimple. "Syempre po Mama, mamamasyal po tayo e."

"Saan mo gustong mamasyal tayo, hmm?" Bumaba na kami at sumakay sa kotse ko.

"Kahit saan po Mama, basta kasama kita," ngiting tugon niya. Ginulo ko ang buhok niya.

Tumango ako at nag drive, alam ko na kong saan ko siya dadalhin, dahil naging medyo busy na rin ako ngayon ay kailangan kong bumawi sa anak ko, kuminang ang mata niya at napuno ng excitement ito at napaawang ang mapula niyang labi.

Dahil week ends naman ngayon ay dinadala ko siya sa Mini Park, mamasyal kami, hawak ko ang kamay niya habang hinihila niya ako papalapit sa nagtitinda ng Cotton candy.

Tumingin siya sa akin at tinuro ang cotton candy. "Mama, I want this, can I?" nag pacute niyang tanong, napangiti ako at binalingan ko ang tindero.

"Manong, isa pong Cotton candy," binigay ko rin agad ang bayad.

Masayang kinain 'yon ni Ashtriuo habang namamasyal kami, maraming mga bata ang nagtatakbuhan, kasama ang buong pamilya nila ngayon, picnic at mga mag bf at gf na nag-da-date, napansin kong tulala si Ash, kaya napasunod ako ng tingin sa tinitingnan niya at hindi ko maiwasan masaktan.

Nakatingin siya sa isang buong pamilya na nag picnic, masaya ang mga ito nakikipag laro sa anak sa Ama nito, kita ko sa mga mata ng anak ko ang inggit at pangungulila. Napa buntung-hininga ako at lumuhod sa harap niya, napabaling naman siya sa akin at malungkot na ngumiti.

Ashish's Obsession (DIS#2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ