Chapter 7

1K 24 0
                                    

Aurelia's POV

"Class dismissed," my Prof in History and Theory of Architecture I. said and leave the classroom.

Napaunat ako ng mga kamay dahil sumakit ito at nangalay, unang araw palang kasi ng pasukan ay nag klase agad at nagsulat ng pagkadami-dami, phone is not allowed here so kailangan talaga namin magsulat.

Tinapik ako ng katabi ko. "Let's go Aurelia kain tayo sa cafeteria my treat," ngiting aya niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango, that's Riza may new friends, she's architect also. "Sure."

Si Riza Mae Dizon ay matangkad, slim lang ang pangangatawan at fashionista ang kanyang suot, naka suot ng maiksing itim na palda mas lalo nitong naipapakita ang mahaba at makinis na legs niya, naka white blouse rin ito na nakabukas ang dalawang butones nito kaya bahagyang nakikita ang cleavage niya, naka shoulder bag din siya ng  pink. Ang kanyang buhok naman ay hanggang baywang ang haba, she's pretty nahihiya pa nga ako ng una sa kanya like ang ganda ng datingan niya samantalang ako, hays.

Napailing nalang ako. "Anong sunod na class natin at anong oras Riza?" ttdanong ko, naiwan ko kasi ang COR (Certificate Of Registration) ko sa condo sa pagmamadali, na late ako ng gising kaya nagmadali ako hindi pa nga ako kumakain ng umagahan.

"Architectural Technology 1PM to 4PM and Architectural Design Studio I. 4PM to 7PM night class," sabi niya matapos tingnan ang kanyang COR.

Nanlaki ang mata ko at tinignan siya kung nagbibiro ba siya. "Night Class?" Hindi ko pa na try ang night Class kung nagkataon ay unang beses ko ito.

"Yep."

Marami din kaming kasabayan pupunta sa cafeteria para kumain o tumambay, ibat-ibang university uniform ang suot nila, ang suot ko naman ay simpleng itim na pantalon at gray blouse. I'm still wearing my brown contact lenses for my protection and disguise.

Sa kabilang building lang naman ang cafeteria katabi ng gymnasium, kaunti palang naman ang tao dito sa cafeteria, 9:30 AM palang naman ang aga nga namin kumain, pero maganda na rin yon dahil kanina pa sa class kumukulo ang tiyan ko nagrereklamo.

Pinili namin doon sa may gilid dahil may aircon at walang masyadong nakaupo sa lamesa, inilapag lang niya ang bag at inilapag ko na rin ang bag ko, magkasabay kaming pumunta sa food areaupang mamili ng bibilhin.

"Anong sa 'yo?" tanong ni Riza habang pinapasadahan ng tingin ang mga pagkain.

Mayro'n silang menudo, lechon manok, pancit, spaghetti at iba pang pagkain.

Napaisip ako, maraming pagkain ang nandito na hindi ko alam ang pangalan kaya yong pamilyar nalang sa akin ang bibilhin ko.

"Lumpiang Shanghai, Pancit at spaghetti nalang sa akin, sa 'yo?" tanong ko pabalik at sininyas sa Ate na naka-assign doon.

"Hmm, lumpiang Shanghai at spaghetti nalang, how about the drinks? Coke, Water?"

"Both."

Nang mabayaran namin ang pagkain ay nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan.

Dahil nga sa medyo madaldal itong si Riza ay panay tanong sa akin ng kung anu-ano hanggang sa napunta sa mga kapatid ko ang tanong.

"So ilan kayong magkakapatid?" tanong ni Riza habang tutok na tutok sa akin.

Inubos ko muna ang kinakain Pancit. "Lima kami, apat na lalaki at ako," simpleng sagot ko. Sumilay ang kakaibang ngisi niya sa labi na parang may na-imagine siya.

Kuminang ang mata niya sa narinig at na babakasan ng kasiyahan ang boses niya. "Mga kuya mo lahat?" excited niyang muling tanong.

Napatawa ako saking isip, halata naman gusto niyang makilala mga kuya ko, mabilis kong nabasa ang expression ng mukha niya dahil visible naman, umiling ako. "Hindi lahat, tatlo ang kuya ko at bunso ko naman kapatid ay lalaki," sagot ko naman, mas lalong lumawak ang ngiti niya sa labi.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now