Chapter 6

1K 20 0
                                    

Aurelia's POV

"Ahhhh bongga ang ganda ganda mo babae ka. I'm sure makukuha mo agad ang atensyon ni Fafa Ashish my yummy Ash ahhh!" tili ni Ate Marie habang hinahampas si Ate Angela. Ganon din si Ate Angela kay Ate Marie kaya mukhang naghahampasan silang dalawa, natawa naman ako sa inasal nila.

Parehong bakla kasi sila at na kwento nila na malakas ang sex appeal niyong si Ashish at crush daw nilang dalawa kaso hindi daw sila pinapansin pero hindi parin talaga sumusuko ang mga bakla sa paghahabol kay Ashish.

"Arayyy bakla sumosobra ka na ha, gusto mo pa atang masira ang beauty ko, saka tama ka naman I know she easily get fafa Ashish, because fafa Ashish wants pretty girl like us," ngising sabi ni Ate Angela habang nakatingala sa kisame na akala mo'y may pinapanood doon.

Tumawa naman si Ate Marie. "Beautiful lang tayo pero hindi tayo babae, may lawit tayo gaga, ang tulad ni Miss Aurelia ang mga tipo ni fafa Ashish kasi may tahong," hirit na sabi ni Ate Marie habang inaayos na ang mga ginamit na make up sa akin.

Umismid naman si Ate Angela. "Alam ko bakla pero pag yumaman na ako ipapatanggal ko itong lawit ko at papalitan ng tahong na fresh na fresh na kahit si fafa Ashish ay nais pasukan ahhh!" nakangiting dagdag pa niya.

Napailing ako, grabi naman ang mga words nila ang laswa pakinggan, hindi pa naman ako sanay na makarinig ng ganyan sa probinsya namin.

"Graving imagination mo gaga, wala nga tayong pangbayad sa upa at  bills natin sa condo magpa change sex ka pa kaya, taas ng imagination mo masakit 'yan kapag bumagsak," tumatawang sabat ni Ate Marie.

"Hey ladies are you done, 15 minutes nalang magsisimula na ang party, kailangan na namin umalis," sabi ni Papa at tiningnan ako at ngumiti siya, ngiting kay sarap makita sa mga labi nila.

"Yes Tito Marko, we're done here, and look your daughter is pretty like a goddess," ngiting papuri ni Ate Angela sa akin.

"Yes, mana kaya 'yan sa mama niyang walang kasing ganda, ito nga pala ang bayad para sa pag aayos sa anak ko, from Mr. Anthony Vandross." Inabot ni papa ang brown na subre na naglalaman ng pera.

Agad naman iyon kinuha ni Ate Marie at ngumiti. "Thank you tito, pasabi na rin po kay Mr. Anthony Vandross thank you malaking tulong to samin dahil marami kaming bayarin."

Isang itim na Hatchback kotse ang nakaparada sa harap ng condominium, binuksan ni papa ang pintura harapan at sumakay naman ako, pinaandar niya ang sasakyan. Habang nasa daan kami ay hindi ko maiwasan titigan si papa, nasa 49 years old na si papa pero hindi pa rin maitatago ang kakisigan niya at kagwapuhan, nakasuot ng formal suit si papa gaya ng una ko siyang nakita sa harap ng mansion ni Tito Anthony.

"Papa paano nga ulit kayo nagkakilala ni mama?" tanong ko. Nasagot na rin ni papa 'yon dati pero gusto ko lang ulit marinig sa kanya dahil hindi 'to nakakasawang pakinggan.

Lumingon sa akin si papa at bahagyang tumawa. "Ilang beses na namin na kwento sa inyo to pero gusto mo pa rin marinig sa akin lalo ka na." Napabuntong-hininga siya at binalik ang tingin sa kalsada. "Nagkakilala kami ni mama mo dahil nag cutting class siya at ako naman itong walang ganang pumasok kaya tumambay sa likod ng school, tumatakbo siya at saktong sa harapan ko siya nadapa, ako naman itong tumawa dahil saktong may tae ng baka doon nasubsob ang mukha niya." Pareho kaming natawa ni papa, nung una ko 'yon marinig pati ng mga kapatid ko ay sumakit ang tiyan namin kakatawa nag tampo non si mama at isang Linggo silang hindi nag tabi. "Agad siyang napabangon at napatili ng makita niya ako na tumatawa ay tinapunan din niya ako ng tae at saktong tumama iyon sa gwapo kong mukha kaya sa galit at inis ko magbatuhan kami ng tae ng baka, kaya mula noon ay palagi na kaming magsakasa hanggang sa nagustuhan ko na ang mama mo." Hindi mawala-wala ang matamis na ngiti ni papa habang kinukwento yon, kahit ako.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now