Chapter 29

712 16 5
                                    

CHAPTER 29

Aurelia's POV

"Anak mag-iingat ka sa Manila ha?"

"This is Ashish…"

"Deal."

"I love you my Au."

"I don’t want to see your face…"

"Mama."

"Aurelia."

Agad akong napabangon dahil sa kakaibang panaginip. Napahawak ako sa aking ulo ng sumakit ito ngunit nangunot ang noo ko ng mapansin may benda ito.

Bakit may benda ang ulo ko?

Sino ako?

Lalong sumakit ang ulo ko ng maalala ang kakaibang panaginip ko, halos wala rin akong maintindihan doon dahil malabo at masakit sa tainga ang kanilang mga boses na halos hindi ko maunawaan ang mga sinasabi nila.

Napatingin ako sa paligid nasa isang maliit na kwarto ako na gawa sa kawayan. Nakasuot ako ng bestida halatang pinaglumaan na, umalis ako sa kama at dahan-dahan na umalis sa kwarto, bumungad sa akin ang sala na tulad sa kwarto ay gawa sa kawayan, sinuot ko ang nakita kong tsinelas sa labas ng kwarto.

Paglabas ko ay magandang tanawin ang nakikita ko, nakita ko rin nasa tabing dagat ang bahay na nilabasan ko, mayron  babaeng nasa 50s ang nagwawalis ng kapaligiran ng mapansin niya ako ay agad siyang tumigil sa pagwawalis, lumiwanag ang kanyang mukha ng makita ako.

"Sa wakas gising ka na rin hija, kamusta ang pakiramdam mo? Maayos ka na ba?" sunod-sunod niya tanong sa akin.

Napalunok ako. "Opo maayos na po ako, sino po kayo? Nasaan po ako?" sunod-sunod ko rin tanong.

Napangiti ang ali at dinala ako sa upuan sa ilalim ng punong manga katapat ng bahay. "Oo ng pala nalimutan ko magpakilala. Ako si aling Rina, apo ko ang asawa mo dinala ka ng apo ko rito dahil nagkaroon ng aksidente halos isang lingo ka na rin walang malay buti na lang at nagising kana ngayon," nakangiting aniya.

May asawa na ako? Aksidente? Isang lingo walang malay?

"Alam ko hija na naguguluhan ka wag mo pilitin ang sarili mong alalahanin agad dahil makakasama sayo yan, lalo na at buntis ka," mas lalo pa akong nagulat sa sinabi niyang buntis ako, napahawak ako sa tiyan ko at napaawang ang labi ko ng may makapa akong bukol roon. Totoo nga?

Napatingin ako kay aling Rina. "Ano pong pangal…"

"Hazel gising kana," napabaling ako sa lalaking tinawag ang pangalan Hazel, ako ba yon? Pangalan ko ba yon?

Lumapit siya sa akin nagulat pa ako ng halikan niya ako sa pisngi. Napatawa ito sa reaksyon ko. Matangkad siya, may magandang pangangatawan, itim ang buhok, may matangos na ilong at light brown na kulay ng balat.

"Masaya akong gising kana, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya, napatingin ako sa dala niyang plastic. Napatawa naman siya. "Binilhan pala kita ng bago mong mga damit sa bayan, bumili na rin pala ako ng umagahan natin."

Kinuha ni Aling Rina ang dalang gulay at isda niya, umupo siya sa tabi ko. "Sino ka?" unang tanong ko, natigilan ito sa tanong ko ngunit ngumiti rin siya.

"Ako ang asawa mo, Adrious ang pangalan ko at ang pangalan mo naman ay Hazel, alam kong naguguluhan ka pero wag ka mag-aalala ipapaliwanag ko lahat sayo." Napatango ako, hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi niya dahil hindi ko ito ramdam ngunit wala akong magagawa kundi ang magtiwala sa kanya ngayon.

Pumasok na kami sa loob, nagluto si aling Rina ng sinigang na isda, pretong isda at pakbet na gulay, matapos kumain ay si Adrious na ang naghugas ng plato, nasa labas ako ng bahay payapang tinitingnan ang dagat, ramdam kong tumabi sa akin si Adrious.

Ashish's Obsession (DIS#2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu