Chapter 26

863 19 5
                                    

CHAPTER 26

Aurelia's POV

MULA ng araw na 'yon ay si Ashish na ang humahatid at sumusundo sa anak ko at mas habang tumatagal ay mas napapalapit na rin ng loob nila sa isat-isat, kahit na labag sa loob ko ay hinayaan ko 'yon dahil na rin sa gusto ng anak ko. May mga times na may tinatanong ako ng anak ko na nagpapahinto ng mundo ko tulad nalang ngayon.

"Mama uncle Ash is so kind, I want him for you Mama," nakangiti nitong saad, nandito ako ngayon sa kwarto niya sinasamahan siyang gumawa ng family tree na project nila sa school.

Napahinto ako sa pagdikit ng picture sa illustration board at napa baling sa anak ko na nakatingin rin pala sa akin, hilaw akong ngumiti at napalunok tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko.

"Paano mo naman nasabi 'yan Ash?" kalmado kong tanong kahit na maingay na ang puso ko jo dahil sa kaba.

Mas lalo pa itong ngumiti na ikinalabas ng dalawa niyang dimple. "Kasi po para tayong complete family po eh, Uncle Ash is the father, you Mama is the Mother, and I'm the son your child, the family tree now is complete. Saka sabi po ng teacher ko na kamukha ko raw po si Uncle Ash," inosente niyang pahayag.

Napaawang ang labi ko, alam kong hindi ako nag kulang sa anak ko pero kailangan niya ng isang Ama na mag gagabay sa kanya at nakikita niya yon kay Ash, at lalo na magkamukha sila at malapit ang loob nila sa isat-isa, hindi ko maitatanggi na gusto ko rin na buo ang pamilya para sa anak ko ngunit hindi pa kaya ng puso kong buksan muli yon.

"Saka mama he's single po, rich, handsome like me, he can cook mama, play with me, caring and mama na sabi po sa akin ni Uncle Ash na may crush po siya sayo wag ka po maingay na sinabi ko yon sayo mama," napabaling ako agad sa kanya, nagpipigil ito ng tawa, ramdam kong uminit ang mag kabilaang pisngi ko sa hiya.

Sinabi talaga ng tao na yon sa anak ko? Kung ano-anong masasamang bagay na ata ang natutunan ng anak ko sa Ama niya.

"Stop it Ash, tapusin na natin itong project mo, ayaw ko na makarinig ng kung ano-ano tungkol sa kanya," seryoso kong saad.

Natahimik naman ito ay nabakasan ng lungkot ang mga mata niya, napa hinga ako ng malalim at hinawakan ang balikat niya.

"You don't like him Mama?" malungkot niyang tanong may namumuong luha sa kanyang mga mata bago pa iyon malaglag sa mga mata niya ay pinunasan ko na, napahinga ako ng malalim.

"It's not like that anak, your uncle and I are just friends," maayos kong paliwanag sa kanya. Tumango ito alam kong malungkot siya sa sinabi ko, bata lang siya na gusto magkaroon ng buong pamilya pero hindi ko manlang mabigay ang bagay na iyon sa anak ko.

Katatapos lang ng trabaho ko, buti na lang talaga at tapos na ang kontrata ko, 5pm na at alam kong kanina pa nakauwi ang anak ko, dumaan muna ako sa Jollibee upang bumili ng pasalubong, medyo na-traffic rin ako dahil rush hour na rin. Inabot ako ng kalahating oras bago nakauwi sa bahay ngunit walang sumalubong sa akin pagpasok ko ng bahay, kadalasantistis ay sinasalubong ako ng anak ko ngunit ngayon ay wala. Kami lang rito sa bahay.

Halos mag gagabi na ay hindi pa rin umuuwi ang anak ko, sinubukan kong tawagan ngunit cannot be reach lang palagi halos nakaka 30 missed calls na ako ay wala pa rin, kaya napag disesyunan kong pumunta na sa school nila ngunit wala rin roon, ang sabi ng guard ay sinundo ng palaging nagsusundo sa anak ko at si Ashish lang naman yon, sinubukan ko rin tawagan ito ngunit hindi rin macontact.
Ilan beses kong tinawagan si Ashish pero maging siya ay hindi ko rin matawagan, hindi ko rin ito pwede sabihin kay Dad Anthony at Papa dahil hindi nila alam na may kontrata kami ni Ashish.

Paano kung tuluyan tinakas ni Ashish ang anak ko? Hindi pwede yon hindi ako makakapayag na mangyari yon pero ngayon ay nawawala ang anak ko kasama ng kanyang ama. Muli kong tinawagan at nakahinga naman ako ng maluwag na mag ring ang kabilang linya maya-maya lang ay sinagot din niya.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now