Chapter 5

1.1K 27 0
                                    

Aurelia's POV

Napalunok ako at napailing. Ano ba yang iniisip mo Relia? Kailan pa naging madumi ang isip mo huh?

Isang buwan nalang at magsisimula na ang klase kaya habang wala pang pasok ay naisipan kong magtrabaho para mabawi ang nagastos kong pera at napadalhan ko sila mama sa probinsya. Nag online ako at nag search hiring na trabaho, kahit ano papasukan ko wag lang doon sa nakakasira ng pagkatao ko o masamang trabaho, maraming FB page na akong na message ang iba ay hiring pero ang iba ay may nakuha na pala, nalimutan lang alisin ang post, hindi ko namalayan na tatlong oras na pala akong nag scroll sa Facebook, napa buntong-hininga ako, wala naman ang makikitang magandang pasukan at dito lang banda sa Manila, mag out na sana ako ng may biglang nag pop up na isang FB. page na nakaagaw ng atensyon ko.

"El Desire Coffee Shop," basa ko sa pangalan ng shop, napaupo ako ng maayos at binasa ang caption ng post.

El Desire Coffee Shop are hiring a new stuff, high school graduate or College are allowed, you can apply, just bring the following requirements.

School ID
Certificate of Diploma... etc.

Halos lahat ng kailangan ay mayroon ako, hindi na ako nag alinlangan pang ichat ang FB page. Napangiti ako na agad nag reply ang page at pinapapunta ako sa shop nila bukas, bumalik na ako sa kwarto upang ihanda ang lahat ng kailangan ko bukas, I need to work ayaw kong masayang ang isang buwan na wala akong ginagawang trabaho sayang  kong hindi ako kikita ng pera.

Hindi pa sumisikat ang araw ay nagising na ako, excited na akong pumunta sa EDCS para mag apply. Nag luto ako ng ampalaya na may itlog at nag saing, habang nagluluto ay umiinom ng mainit na kape, natapos din ako agad at kumain at naligo. Isang black pants, peach  shirt, white blazer at white shoes ang suot ko. Umalis na ako bago pa mag alas otso ng umaga, marami din akong kasabayan sa elevator ang iba ay businesman at stuff nitong condo.

Luckily isang kanto lang ang layo ng condo sa EDCS kaya nilakad ko na, maraming ang nakakasalubong na magkakaibigan at family, siguro'y mamasyal sila dahil maganda naman ang sunny at hindi mainit sa balat ang sikat ng araw dahil maaga pa naman, isang gusaling may dalawang palapag ang EDCS maraming tao ang nasa loob niya dahil glass wall ito kaya kitang-kita kung sino ang nasa loob. Pumasok na ako at nag tanong sa babaeng nasa counter.

Ngumiti ako sa babae. "Miss nasaan po ang manager ninyo? Pinapunta niya kasi ako, mag-aaplay ng trabaho dito."

"Ikaw po pala yan ma'am, Dane ikaw muna dito sa cashier kailangan ko lang ihatid di ma'am kay Sir," tawag pansin niya sa babae nakalabas palang ng pintuan sa likuran.

Tumango lang ito, inaya naman ako nitong sumunod sa kanya. "Ako nga pala si Marielle, ako ang naka chat mo kagabi sa FB page, nadala mo ba ang requirements Ms. Medija?" tanong niya habang umakyat kami sa hagdan sa second floor ng Coffee shop.

Nanlaki ang mata ko. "Ikaw po pala 'yon, opo nadala ko," sagot ko at tinaas ang hawak kong folder.

Nakarating kami sa taas, mayroon din cashier at service area dito, sa tabi non mayron brown na pintuan. "Owners Office," basa ko sa nakalagay doon.

"Maswerte ka dahil nandito si Boss, wag ka mag alala sigurado naman akong makakapasok ka, his kind." Kumatok siya.

"Come in," isang malalim at seryosong boses ang kanyang tinig.

Napalunok ako, sana nga matanggap ako. Binuksan ni ate ang pintuan. Una kong napansin ang lalaking naka Gray long sleeves, makatupi ito hanggang siko, he is reading a papers while signing it.

"Sir Thyro, siya na po yung sinasabi ko sa inyo na mag apply dito," tawag pansin niya.

He look at me, his not smiling at all kaya mas lalo akong kinabahan, inilapag niya ang hawak na papel sa tambak na mga papel sa table office desk niya.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now