Chapter 2

1.6K 32 1
                                    

Aurelia's POV

"DALAWANG kare-kare, sinigang, dalawang kanin at sa softdrinks Coke na lang."

Sinulat ko lahat ng order niya sa papel na hawak ko, matapos ko maisulat iyon ay ngumiti ako. "Okay ma'am, sir 10 minutes po, serve na namin ang order n'yo." Umalis na ako roon at binigay kay Ate Merna ang order. "Ate Merna, another order." Inabot ko sa kanya ang paper kong saan ko sinulat ang order.

"Relia pa-serve naman ito sa table 9," tawag pansin sa akin ni Kuya Nelo. Medyo punuan talaga ngayon dahil lunch time, karamihan sa kumain dito ay bumabyahe pa dahil katabi lang ito ng terminal ng buss.

Agad ko naman kinuha ang dalawang tray ng pagkain at serve sa sinabi niyang table number. "Enjoy your food ma'am, sir," nakangiti kong sabi at umalis.

This is my part time job, dahil bakasyon ay kailangan kong kumita ng pera para may maibigay ako sa pamilya ko at pangdagdag na rin sa tuition fee ko para sa college. Tapos na akong sa highschool. Maliban sa pagiging waitress ko ay nagtatrabaho rin ako sa palengke, tinulungan ko si Mama at kumikita rin ako roon.

Hindi naman kasi ganon kalaki ang kita ko rito sa restaurant ni Kuya Joshua, kaya kailangan ko talaga ng another part time job.

Maaga pa pero marami na ang costumer, kadalasan dito talaga sila kumakain, malapit pala itong restaurant sa university dito sa amin, pero gusto ko talagang makapag aral sa sikat na paaralan sa Manila ang UP o ang University of the Philippines.

Kaya inabala ko ang aking sarili sa pagtatrabaho para kahit papaano ay may pang tustos ako sa pangangailangan ko, nahihiya na kasi ako kong manghihingi pa ako kay Papa, siya na nga ang nagpapadala tuwing isang buwan at sakto lang yong para sa pagkain at baon ng mga kapatid ko.

Sa isang buwan magsisimula ang enrollment sa UP, kaya nagsusumikap akong magtrabaho at makaipon, para kahit papaano ay mabawasan ko ang tuition na babayaran, plano ko rin mag apply ng scholarship program sa universidad na iyon, sana lang ay makuha ako.

May dumating na buss at mula roon ay bumaba ang medyo maraming pasahero ang iba at dumiretso agad dito sa restaurant. Nadagdagan ang kumakain sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko, kaya naging busy rin ako, hindi ko ininda ang sakit ng likod ko at pagod, kailangan ko ng pera dapat ko itong paghirapan makuha.

Mula Lunes hanggang Biyernes ang trabaho ko rito samantalang sa Sabado at Linggo naman ay sa tumutulong ako sa palengke, may pwesto kami roon at ibinibenta namin ang tanim na gulay. Medyo malaki na rin ang naipon ko sa isang buwan na pagtatrabaho.

*Blagggg*

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pagkabasag ng plato at mangkok sa sahig, natuon ang atensyon ko roon, nanlaki ang mga mata ko ng makitang nanginginig sa takot si Vila ang pinakabatang nagtatrabaho rito, mayro'n matanda lalaki ang masama ang tingin sa kanya, nakakunot ang noo nito at malalim ang paghinga, medyo mataba ang lalaki at halatang hindi siya basta-basta lamang.

"Look what have you done to may business suit, woman! You ruined it, I have business meeting to attend five minutes from now but you mess up my suit! Stupid!" he angrily shouted to Vila, who's shaking right now, naluha ito at nangangatal ang mga manipis na maputlang labi.

Umiiling siya, namumula na rin ang mga mata niya at anumang oras ay maiiyak na siya.

"P-Pasenya na po S-Sir, hindi ko po sinasadya, hindi ko po kayo nakita, pasensya na po ulit," garalgal na paghingi niya ng tawad at yumuko pa ito.

Marami ng nakatingin sa kanila ngayon, nakakaistorbo na rin ito sa mga kumakain. Wala akong nagawa kundi at umentra sa eksena nila.

"Sir, I'm sorry for my co-worker did to you sir, I'll pay it instead," lakas loob kong sabi.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now