Chapter 28

648 11 3
                                    

CHAPTER 28

Aurelia's POV

ISANG krema off shoulder na hanggang legs ang suot kong dress, nag lagay lang ako ng kaunting makeup, dinala ko na rin ang shoulder bag at bumaba, nakita kong nag-aantay siya sa baba, naka black trousers, black shoes, white long sleeve, nang makita niya ako ay agad siya lumapit sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi.

"You’re pretty my Au, let’s go." Inalalayan niya ako sumakay sa kanyang sasakyan.

Habang nagmamaneho ay tinanong ko siya, "Saan ba tayo pupunta, Ashish?" Malay ko ba kung business party pala ang pupuntahan naming tapos ang suot ko hindi tugma sa occasion.

"You will know later, my Au. Just relax."

Akala ko ay pupunta kami sa hotel o building na may event ngunit hindi roon ang tinatahak naming lugar, sa kalayuan ay mayroon akong nakikita puting ilaw. Napaawang ang labi ko sa nakita, I didn’t expect this.
Hininto niya ay sasakyan at inalalayan akong bumaba, napaawang ang labi ko sa nakikita, ngayon ay mas nakikita ko kung ano ang nandito, its like a romantic date, mayroon white carpet kung saan mayron heart shape na red candle, sa gitna naman no'n ay may nakahandang lamesa na may candle, napa tingin ako kay Ashish na nakatingin rin pala sa akin.

Tumikhim siya. "Do you like it, my Au?" tanong niya at dinala ako papunta roon.

"This is amazing, I love this," wala sa sarili kong saad habang hindi maalis sa akin ang pagkamangha, dagdagan pa ng full moon at dumadagdag ang liwanag ng buwan sa ganda ng paligid, mayroon din nakakalat na lantern sa buhanginan at maging sa dagat nakalutang.

"Ano ito Ashish?" hindi makapaniwala kong tanong, ito ba ang ginagawa niya noon mga nakaraan?

"Surprise date. Let’s go."
Pareho kaming naglalakad sa white carpet, mayron lalaking may hawak ng violin mayron rin lalaking nasa tabi ng piano at isa pang lalaking may hawak ng gitara, maliban doon ay mayro'n pang lalaking nasa tabi sa lamesa na puno ng pagkain. Maingat niya akong pinaupo bago siya umupo sa harapan ko.

Agad na lumapit sa amin ang lalaking kanina lang ay nakatayo sa lamesa ng pagkain, binigay niya sa amin ang menu.
"Choose anything you want, my Au. Everything is paid." Si Ashish, na nakatitig pala sa akin, I smile.

Pumili na ako at binigay ito sa server, ganon rin si Ashish, dahil nasa may baybayin kami ng dagat ay malakas ang ihip ng hangin at malamig ito, ng mapansin yon si Ashish ay tumayo siya at hinubad ang suot ng itim na cuot at isinuot ito sa akin.

"Thank you."

Agad din serve sa amin yon, tinupi ni niya ang long sleeve niyang puti hanggang siko ito. Nang magsimula kaming kumain ay sabay noon na tumugtog ang musician sa gilid namin. Mayroon rin wine sa lamesa namin, suminyas si Ashish at nilagyan nong server ang wine sa baso. Hindi ko inaakala na magagawa sa akin ito niya, dahil busy siyang tao ay wala siyang oras sa mga ganito pero nagawan pa rin niya sa akin at malaking bagay nayon sa akin.

Nang matapos naming kumain ay senerve ang dessert.

"Thank you for this Ashish, alam kong busy ka pero naisipan mo pa rin akong surpresahin," nakangiti kong pasasalamat.

Tumayo si ashish at kinuha ang kaliwang kamay ko at hinalikan ito habang nakatingin sa akin. "I can do everything for you my Au." Itinayo niya ako at inilagay ang kamay ko sa balikat niya.

Muling nag iba ang tugtog naging romantic ito, sumayaw kami ni Ashish ng marahan, dama ko ang init ng katawan niya sa akin, mas lalo pa niya akong nilapit sa kanya, kaya ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya.

Lumayo siya sa akin, nangunot naman ang noo ko ng lumuhod siya sa harapan ko, may idea na ako sa nais niya iparating.

Napalunok siya at ngumiti sa akin. "Alam kong masyadong mabilis ang lahat ngunit ayaw ko ng sayangin pa ang pagkakataon na ito. Alam kong hindi ako naging mabuting partner sayo noon, pinalaki mo ang anak natin si Ashtriuo mag-isa and I'm so proud of you na nakamtan mo lahat ng pangarap mo kahit wala ako, ngunit binigyan moko ng huling pagkakataon, bouhin ang pamilya natin, na bigyan ng buong pamilya ang anak natin. Aurelia will you be my Mrs. Vandross?"

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now