Chapter 20

790 15 0
                                    

Aurelia's POV

NAPABALIKWAS ako ng marinig ang malakas at nakakabinging tunog ng aking cell phone sa tabi ko, muli akong napapikit dahil sa nakakasilaw at mahapdi sa mata ang liwanag na mula sa nakabukas na glass window ng condo ko, masakit ang aking ulo kumikirot ito, kinapa ko ito at sinagot.

"H… Hello," halos pabulong kong sagot.

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa kabilang linya, akmang magsasalita ako ng sumagot ito.

"Where are you? Kanina pa ako nag mag-aantay sa 'yo sa opisina ko, my Au," deritso niyang tanong, ilang beses pa akong napalunok at napatingin sa oras ng cellphone ko.

Napakagat ako ng aking labi ng makitang isang oras na akong late sa trabaho, bahagyang nanakit muli ang aking ulo, napapikit ako at tnanumbalik sa aking alaala ang mga nangyari kagabi, agad akong napatingin sa suot ko pagtataka at kaginhawaan ang naramdaman ko, pagtataka dahil iba na ang suot kong pang-itaas at kaginhawaan ng makitang may suot akong damit.

Sino naman kaya ang nagsuot sa akin nito? Napaawang ang labi ko ng maalala ang huling pangyayari bago ako mawalan ng malay. Si Adrious, siya ang huli kong naalala na nagligtas sa akin kagabi, at siya rin ang nag-uwi sa akin dito sa condo ko?!

"Nasaan ka, Aurelia?" seryosong tanong niya kaya napabalik ako sa realidad. Galit ba siya?

Napalunok ako at huminga ng malalim, pinilit kong hindi kabahan. "N-Nasa condo, sorry Ash kagigising ko lang at medyo masama ang pakiramdam ko ngayon, baka hind—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumabat agad siya.

"Pupunta ako diyan, my Au." Sinubukan ko pang pigilan siya ngunit pinatay na niya ang linya.

Pinilit kong tumayo kahit na nanghihina ako, humarap ako sa salamin para tingnan ang ayos ko, nanlaki ang mata ko ng makitang ilang kissed Mark sa leeg at dibdib ko, magulo rin ang buhok ko at wala sa ayos, halata rin puyat ako dahil sa dark eyebags sa ilalim ng mga mata ko, tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba, makikita ito ni Ash.

Kahit na masakit ang ulo ko maging ang aking katawan at mainit ang aking pakiramdam ay pinilit kong maligo, hindi pwede akong maabutan ni Ash na nasa ganitong situwasyon, binilisan ko lamang ang paliligo dahil alam kong mabilis na makakarating dito.

Nang makalabas ako ng showers room ay napahawak ako sa kalapit na lababo ng bahagyang umikot ang paningin ko, nanghihinang lumakad ako papunta sa toilet bowl napasalampak ako sa toilet bowl at sumuka, parang hinahalukay ang tiyan ko, muli akong dumuwal dahil siguro ito sa pag-inom ko kagabi at hindi kinaya ng katawan ko. Nag hilamos at nag toothbrush ako, nakapag bihis na rin ako ng damit at saktong paglabas ko ng CR ay mayroon nag door bell.

Bumungad sa akin ang kanyang seryosong mukha, magulo rin ang kanyang golden brown na buhok, ang suot niya ay 'yong palagi naman niyang attire kapag sa trabaho, naka business attire. Hinila niya ako at niyakap, ramdam ko ang init ng kanyang katawan, ramdam kong natigilan niya at lumayo sa akin, hinawakan niya ang noo at leeg ko, ang kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng pangamba.

"You're fucking sick?! Ang init mo," nag-aalalang sabi niya.

Maliit ako ngumiti. "Bumaba na ang lagnat ko, katatapos ko lang maligo," mahina kong tugon.

Buntong hininga siya. "Okay, 'wag ka munang pumasok ngayon, sinasabi ko na sa 'yong 'wag kang masyadong magpupuyat e," panenermon niya sa akin at dinala niya ako sa sofa rito sa sala, pinaupo niya ako at inalis niya ang suot na coat at sinampay sa sofa. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako, tumango siya at hinalikan ako sa noo. "Dito ka lang muna, ipagluluto kita ng sinabawan karne ng manok."

Nanlaki ang mata ko agad kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan, nakakunot naman siyang napalingon sa akin, napanguso ako at nahihiyang ngumiti. "Sama ako," aniya ko.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now