Chapter 13 "Hall Monitor (part 2)"

113K 3.8K 858
                                    

a/n:I'm really sorry for my late update.Ah...nicaLhey...Argh...I really forgot.So sorry for my stupidity.Nagiging ulayanin na talaga ako.Eto na talaga.Para sayo na to.



Saisumi's POV



*KRIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!*

Iritang tinakpan ko ang tenga ko ng tumunog yung bwisit na alarm clock.Pang-ilang beses ng paulit-ulit na tumutunog yan.Tutunog,hihinto tapos tutunog ulit.Nakakabwisit!

Ayokong pumasok.Kahit ngayong araw lang.Nakikiusap ako na sana walang pumilit sakin na pumasok.

Huminto sa pagtunog yung alarm clock pero kasabay nun ay ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko.

"WHAT?!"-Ako

Halos magbato ako ng kung anong bagay sa pinto sa sobrang inis.

"L-lady,hindi po ba kayo p-papasok?"

Tanong ni Butler George na nasa kabilang panig ng pinto.Nagtalukbong ako ng kumot at dumapa sa kama.

"Hindi ako papasok!Wala kaming pasok!"

Pagsisinungaling ko.Kung magsasabi ako ng totoo,hindi nya ako tatantanan.

"A-ah ganun po ba?P-pasensya na po sa abala,Lady."

Pagkatapos nyang sabihin yun,wala na akong narinig sa labas.Mukhang umalis na sya.Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinilit ulit matulog.

*ring.ring.ring.*

Napaangat yung ulo ko nung biglang tumunog yung cellphone ko.Naiirita na talaga ako.IRITANG-IRITA NA AKO.

Hindi ko pinansin yung tumatawag.Bahala sya.

*ring.ring.ring.*

Shut up,you stupid phone!

*ring.ring.ring*

UGH!

Pabalang kong sinagot yung tawag.Sisigawan ko pa lang yung tao sa kabilang linya pero napahinto ako nung marinig ko syang magsalita.

[Where the hell are you,Saisumi?]

Mahina lang ang pagkakasabi nya pero mararamdaman mo yung lamig ng boses nya na nagpataas sa balahibo ko.Si Liryu ang tumawag.Alam ko yun kahit hindi ko tignan sa screen ng cellphone ko.Biglang nawala yung inis ko at napalitan ng pagdadalawang-isip na magsalita.Napalunok ako.Tinawag nya akong 'Saisumi'.Siguradong nakakakilabot na naman ang aura nya ngayon.

Napatingin ako sa alarm clock.10:30 na pala ng umaga.Kaninang alas-nwebe pa ang usapan namin na magkikita-kita kami sa school.

Lintik.Mukhang wala talaga akong kawala.Alam nyo ba kung bakit ayokong pumasok?Dahil ngayon ang Grimson Festival.

"Hindi ba pwedeng wag na lang akong pumunta?"

Nag-aalangan kong tanong habang nagkakamot ng ulo.Umupo ako sa kama ko at naghikab.

[Napag-usapan na natin to.Pupunta ka at gagawin mo ang trabaho mo bilang hall monitor.]

"P-pero--"

[Pupunta ka dito o susunduin pa kita dyan?]

Hindi pa rin nagbabago ang tono ng boses nya.Ayan na naman sya.Nagbibigay na naman sya ng mga pagpipilian na lahat pabor sa kanya.

"Hindi ka pwedeng pumunta dito.Magkikita kayo ni Shun."

Pabagsak ulit akong nahiga sa kama ko.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon