Chapter 15 "The Cursed Duty"

109K 4K 469
                                    

a/n:I'am not that confident with this chapter but I think you need this to understand some things about Sai's duty.Dedicated to Sehunniee94.:)



Shunrei's POV

"Bakit nakasuot ka ng ganyan? "

Nagtatakang tanong sakin ng babaeng kasama ko habang naglalakad kami papunta sa school grounds ng Grimson kung nasan yung mismong festival. Inayos ko na lang ang suot kong sumbrero at eyeglasses.

Nakakapagtaka talaga na hindi ako kilala ng babaeng to. Hindi yata sya nanonood ng TV.San ba sya galing? Sa bundok?

"Wala ka ng pakielam kung ano mang suot ko. "-Ako

"Geez... May pagkamasungit ka rin, no? "

"So? Tsaka teka nga, bakit sumusunod ka pa rin sakin? Ang usapan, ihahatid lang kita dito. "

"But it looks like you're familiar with this school so it's better for me to come with you. I don't want to get lost in this huge university. Baka lalong hindi ko makita si Kuya. "

"I don't care if you'll lost. It's not my problem anymore, young lady. Masyado mo na akong naaabala at ayoko ng madagdagan pa yun."

"Bakit ganun? Gwapo sana kaso ang sama ng ugali. "

Narinig kong bulong nya. Napailing na lang ako.Kung makapagsabi sya na masama ang ugali ko, kala mo kilalang-kilala na nya ako.

"Ah wait, mister. Ano nga palang pangalan mo? "

Nakangiting tanong nya sakin. Oo nga pala. Kanina ko pa sya kasama pero hanggang ngayon,hindi ko pa rin pala alam kung anong pangalan nya.

"I'm Shu--"

Natigilan ako. Kung malalaman nya ang pangalan ko, baka yun pa ang itawag nya sakin sa harap ng madaming tao. Malakas pa naman ang boses ng babaeng to. Malamang, sya pa ang ikapahamak ko pag nagkataon.

"I mean,Rei.I'am Rei. "

Sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman sya sakin.

"Ow.....Rei..... Well, I'm Khira! Nice to meet you! "



Saisumi's POV

"Dun tayo! "-Lyra

"Hindi!Dun muna tayo! "-Nicka

"*iling-iling*San ba talaga? "-Alexa

"Ano ba kayo? Mas maganda kaya dun?! "-Ken

"Eh kung magkanya-kanya na lang kaya kayo? Tss. "-Louie

Tahimik ko na lang silang pinanood habang nagtatalo sila. Kada lilipat kami ng booth, ganyan sila. Si Liryu nga, naupo na lang sa isang tabi at nangalumbaba habang pinapanood sila. Alam nya kasing kahit mag-suggest sya, wala rin namang makikinig sa kanya.

Magkatabi lang kaming nakatayo ni Mirco malapit sa inuupuan ni Liryu. Nakahalukipkip ako habang nakapamulsa naman ang dalawang kamay ni Mirco.

"Iwan na lang kaya natin sila? "

Nakasimangot na tanong ni Liryu. Hindi ko inasahang tatango si Mirco bilang pagsang-ayon.

Pfft. Magbestfried nga sila.

Titignan ko sana yung oras sa relo ko pero napatigil ako nung may napansin akong dalawang taong naglalakad sa bandang kaliwa namin.

Nakuha nila ang atensyon ko dahil sa boses nung lalaking nakasumbrero at salamin.

"Argh... You're annoying. "

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon