Chapter 20 "Birthday Plan"

99.7K 3.6K 869
                                    

a/n:Dedicated to thebestsin00.

Shunrei's POV

"Master,hindi pa po ba kayo magtatanghalian?"-George

"Hindi.Ayoko."

Malamig na sagot ko sa kanya.Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa TV.Nanonood ako ng horror movie dito sa living room.Kahit horror ang pinapanood ko,wala kang makikitang kahit anong ekspresyon sa mukha ko.

Wala naman kasi talaga sa movie ang focus ko.Nasaan ang focus ko?Nasa tampo.

Oo.Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi tampo at inis.Pakiramdam ko,binabalewala na ako ng kakambal ko.Pakiramdam ko,ngayon,kaya na nyang mabuhay kahit wala ako.Hindi na nya ako masyadong napapansin.Hindi na nya ako kailangan.

Tsk.Ang drama ko ba?Anong aasahan nyo eh artista ako?

"Ah,welcome home,La---"-George

Napalingon ako sa main door nung narinig ko si George.Sigurado akong dumating na si Hime.

Hindi nga ako nagkamali.Sya nga yung dumating.Dire-diretso sya sa pagpasok.Mabibigat ang bawat hakbang nya habang nakayukong naglalakad.Pansin ko rin ang nakakuyom nyang mga kamay.

Ni hindi man lang sya lumingon sa direksyon ko.Mabilis syang umakyat ng hagdan at isinara ng malakas ang pinto nung makapasok sya sa kwarto nya.

Anong.....nangyari dun?

"M-madame,Master."-George

Napalingon ulit ako sa main door.Ngayon naman,sila Mom ang pumasok.

"Saisumi!Bumalik ka dito!Hindi pa ako tapos magsalita!"

Galit na sigaw ni Mom.Napatayo na ako sa inuupuan ko.Nakakatakot yung itsura ni Mom at isama nyo pa na 'Saisumi' ang itinawag nya kay Hime.Ibig sabihin,seryoso ang bagay na to.

"Yumi,tama na yan.Hayaan mo muna ang anak mo."-Dad

"Hayaan?!Hayaan?!Siguro nga napabayaan na yang batang yan!"-Mom

"Hindi na ako bata!"

Rinig naming sigaw ni Hime mula sa kwarto nya.

"Sumasagot ka pa?!Pag ako,napuno mo talaga,sapilitan kitang ibabalik sa Japan!"

Namumula na sa galit si Mom kaya niyakap na sya ni Dad.Hinimas-himas ni Dad yung likod nya para pakalmahin sya.

"Ssshh.....tama na,Yumi.Shunrei,puntahan mo si Saisumi sa taas."

Baling sakin ni Dad.Tumango ako at agad-agad akong pumunta sa kwarto ni Hime.Kakatok pa sana ako pero napahinto ako nung marinig ko yung mga ingay sa loob.Parang may mga nababasag at nahuhulog na mga gamit.

Inikot ko yung door knob at laking pasasalamat ko nung hindi naka-lock yun.Binuksan ko yung pinto at out of instincts ay naisara ko din kagad dahil may lampshade na muntik ng tumama sakin.

"Hime!"

Tuloy pa rin ang ingay sa loob.Isang minuto akong tumayo sa harap ng pinto nya bago ko napagdesisyunang pumasok ulit.

"Argggghhh!!!"-Hime

Pagkapasok ko,agad kong sinara yung pinto.Napaka-kalat sa buong kwarto.Basag na yung flat screen.Wala na rin sa tamang ayos yung bed sheet.Nagkalat ang unan,basag na alarm clock,lampshade at kung ano-ano pa.

Nakita ko si Hime na sinusuntok yung pader. Paulit-ulit lang nyang ginagawa yun hanggang sa mapansin kong may bahid na ng dugo ang parte ng pader na sinusuntok nya.

Tumakbo ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod tsaka ko hinawakan ang kamay nya para pigilan sya sa pagsuntok.Pumalag sya pero hindi ko sya binitawan.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon