Chapter 1 "Miss Me?"

278K 7.6K 2K
                                    

Saisumi's POV

"SHUN!IBALIK MO SAKIN YAN!"

"Sai,bumangon ka na.Maaga pa pasok mo.Don't skip your breakfast,okay?Kita na lang tayo sa school.Ingat ka sa pagpasok and I---"

"Stop reading that damn text,Shun!"

Pilit kong inabot sa kamay nya yung cellphone ko pero lintik.Bakit ba mas matangkad sakin ang lalaking to?Kambal kami ha?!

Tumakbo sya papunta sa dinning area kaya agad ko syang hinabol.

"Mom!Si Hime oh!May boy---"

Patalon akong pumasan sa likod nya.Tinakpan ko kagad yung bibig nya bago pa nya matapos yung sasabihin nya.

Ipapahamak pa ako ng siraulo.

"Ano ba yang ginagawa nyo?Ang aga-aga eh."

Sabi ni Dad na nakaupo sa upuan sa gitna ng dinning table habang umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.

"Maupo na nga kayo dito.Kumain na kayo.May pasok pa yang si Baby V."

Nakasimangot akong  bumaba mula sa pagkakasapan kay Shun at naupo sa upuan.Hanggang ngayon ba naman,yun pa rin ang tawag nya sakin?

"Mom,call me Saisumi,Sai,Hime or whatever.Wag lang pang baby.Tss."

"Bakit ba?!Ang cute nga ng Baby V eh!"

"Pero hindi ako cute.-____-"

"Cute ka,V!"

"Hindi ako tuta,Mom."

"Cute ka kaya."

Sabat ni Shun na umupo sa tabi ko.

"Kung hindi ka cute,ibig sabihin hindi rin ako cute.Kaya aminin mo na.Cute ka.Hahahaha!"-Shun

"Ewan ko sa inyo."

Tumayo na ako.Iniabot sakin ni Butler George yung bag ko.

"Oh.San ka pupunta?Di ka pa kumakain."-Dad

"Malelate na ako.Sa school na lang ako kakain."

Humalik na ako sa pisngi ni Dad at Mom.Niyakap ko mula sa likod si Shun tsaka ko sya hinalikan sa pisngi at pasimpleng kinuha ang cellphone kong hawak-hawak nya.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa bulsa ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay.Mahigit dalawang taon na ang nakakalipas.A lot of things changed.I'm already 19 years old at ilang buwan na lang,magtu-twenty na kami ni Shun.

Isa na akong 2nd year college student sa Grimson University kung saan nag-aral dati sila Mom and Dad.At dahil idol ko si Dad,civil engineering din ang kinuha ko tulad nya.

Hindi na ako nagsusuot ng salamin pero gumagamit pa rin ako ng contact lense.

Si Shun?Ayun.Artista pa rin pero hindi tulad dati,dito na sya sa Pilipinas gumagawa ng mga movie at palabas nya.Minsan na lang kung pumunta sya sa ibang bansa at dito na rin sya nakatira sa mansyon.Sila Mom at Dad naman,naisipan lang magbakasyon dito ng isang linggo.Babalik din sila sa Japan sa Lunes.

Dati,hindi ko maimagine ang sarili ko na mamuhay ng normal dahil sa uri ng pamilyang meron ako at sa kulay ng matang taglay ko pero eto ako ngayon,papasok ng school bilang isang ordinaryong studyante.

Kung.....ordinaryo nga ang tingin nyo dito.....

"Ayan na sya."

"Dumating na si Miss Saisumi."

"Kyaaaaahhhh!!"

Yan ang maririnig mo sa gate ng G.U. habang pinapark ko ang kotse ko.May nagbago na sakin pero ang mga pangkaraniwang taong nakapaligid sakin,kelan kaya magbabago?

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon