Chapter 43 "Gunshot"

46.2K 2K 339
                                    

Third Person's POV

Tahimik at dahan-dahang lumabas sa kwartong kinalalagyan n'ya si Saisumi.Puro dugo pa rin ang kulay puti n'yang damit na pinatungan n'ya ng itim na jacket at nakapaa lang s'ya.Alerto s'yang tumingin sa paligid.Wala s'yang nakikitang tao sa loob ng malaking bahay.Base sa taas ng buwan na nakikita n'ya sa bintana,11 PM na ng gabi.

Mabilis s'yang nakapunta sa isang sulok ng bahay.Muli s'yang lumingon sa paligid.Wala pa ring tao at mas nakakabahala 'yon.Kung hindi n'ya nakikita ang mga kalaban n'ya,mas lalo s'yang mahihirapan.

Huminga s'ya ng malalim bago muling lumipat sa sulok na malapit sa veranda ng second floor kung nasaan s'ya.Nakiramdam s'ya ng ilang minuto.Nang nakasigurado na s'yang walang ibang gumagalaw sa paligid,itinuloy na n'ya ang plano n'ya.

Pumunta s'ya sa veranda at sinilip ang baba nito bago s'ya walang pagdadalawang-isip na tumalon.Bumagsak s'ya sa damuhan na halos walang ingay.Napahinga ulit s'ya ng malalim.Kinakabahan s'ya.Nararamdaman n'yang may hindi tama sa paligid n'ya.

Dahan-dahan s'yang naglakad habang palingon-lingon.Masyadong matataas ang mga bakod para maakyat n'ya.Wala rin s'yang nakikitang magagamit n'ya para makaakyat.

Wala syang ibang choice kundi ang dumaan sa gate mismo.

"Bwisit,"bulong n'ya sa sarili n'ya.

Naglakad na s'ya para hanapin ang gate.Maingat s'ya sa bawat hakbang habang nakikiramdam.Hindi s'ya pwedeng magkamali dahil oras na makagawa s'ya ng ingay-

Isang kaluskos ang nagpatigil sa kan'ya sa paglalakad.Agad n'yang iginala ang tingin n'ya.Lumingon pa s'ya sa likuran n'ya at tahimik na nakinig.

May kumaluskos na naman.Sa pagkakataong 'yon,nakaramdam na s'ya ng konting kaba.Sa pwesto n'ya ngayon,wala s'yang pwedeng pagtaguan.

Muli s'yang humarap sa direksyong pupuntahan n'ya sana kanina para tumakbo na pero agad s'yang napaatras nang makita n'ya sa harapan n'ya ang isang malaking asong nakatingin sa kan'ya ng nanlilisik.Umatras s'ya ng dahan-dahan para hindi ito tumahol pero huli na.

Biglang bumukas ang mga ilaw sa bakuran nang tumahol ng walang tigil ang aso.

"Nandito s'ya!"

Rinig n'yang sigaw ng isang lalaki.Hindi s'ya makaalis sa pwesto n'ya dahil mukhang handa na s'yang lapain ng malaking aso.

Bang!

Isang bala ang bigla na lang tumama sa katawan ng aso na nagpatigil sa pagtahol nito.Bumagsak ang aso sa damuhan.Hinanap n'ya kung saan nanggaling ang bala pero wala s'yang makita dahil sobrang liwanag ng mga ilaw.Hindi n'ya maintindihan kung bakit ang aso ang binaril nito imbis na s'ya.Isang putok pa ulit ng baril ang narinig n'ya.Tumama ang bala sa damuhan malapit sa paa n'ya.

Doon na s'ya natauhan.May tumutulong sa kan'ya at pinapatakbo na s'ya nito.

Hindi na s'ya nagdalawang-isip at tumakbo na agad s'ya.Sobrang lawak ng bakuran ng bahay kung nasaan s'ya kaya hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta.Idagdag pang nakapaa lang s'ya.Nahihirapan s'yang tumakbo dahil puro sugat na rin ang paa n'ya.

"Ayun!Habulin n'yo!"

Nagpaputok ng baril ang mga humahabol sa kan'ya.Hindi s'ya lumilingon at tuloy lang s'ya sa pagtakbo.Natatanaw na n'ya ang malaking gate nang may magpaputok na naman ng baril at tinamaan s'ya sa kaliwang balikat.

Mahina s'yang napadaing at huminto saglit sa pagtakbo.Hinawakan n'ya ang balikat n'yang halos hindi na n'ya maramdaman dahil sa sobrang sakit.

"D'yan ka lang!,"sigaw ng isa pang hindi n'ya kilalang boses.Napamura s'ya ng mahina bago muling tumakbo.

May dalawang lalaking nakatayo sa gate habang tinututukan s'ya ng baril.Napahinto s'ya nung naramdaman n'yang kumirot ulit ang sugat n'ya.Lumingon s'ya sa likod at nakita n'yang malapit na s'yang abutin ng mga humahabol sa kan'ya.

"'Wag kang gagalaw d'yan,"banta ng isang lalaking nasa gate.

Hindi s'ya gumalaw.Pinag-aaralan n'ya kung saan s'ya pwedeng dumaan nang hindi nababaril.At sa nakikita n'ya...wala s'yang madadaanan.Kung may dala lang s'yang armas o kung ano at hindi s'ya sugatan,malamang kanina pa s'ya nakaalis sa mala-impyernong lugar na kinalalagyan n'ya.

Biglang bumagsak sa damuhan ang isa sa dalawang lalaking nasa gate.Gulat ang isa pang lalaki na tumingin sa kasama n'ya.Maging s'ya ay nagulat.Isang tama ng bala ang nakikita sa noo nito.Lumingon sya sa likod para muling hanapin ang tumutulong sa kan'ya.Wala s'yang makita.Parang sobrang layo ng pinanggagalingan ng bala.Paano nangyari 'yon?Sniper?

Isang mabilis na bagay ang dumaan sa pisngi n'ya at tumama sa natitirang lalaking nasa gate.Walang dudang isang sniper ang tumutulong sa kan'ya pero sino?

Sunod-sunod na pagpapaputok ang ginawa ng mga humahabol sa kan'ya nang nakita nila ang nangyari sa dalawa nilang kasama.Napatakbo ulit si Saisumi.Nakalabas s'ya ng gate at tinakbo ang mala-gubat na daan.

Tinamaan ulit s'ya ng bala sa binti na nagpaluhod sa kan'ya.Hinihingal s'yang napapikit sa sakit pero wala s'yang balak na sumuko.Gusto n'yang makita ang kakambal at ang mga magulang n'ya.Gusto n'yang makita si Liryu.

BANG!

Napatuwid ang katawan n'ya nang maramdaman n'ya ang nanuot na sakit sa likod n'ya na tumagos sa t'yan.Dahan-dahan n'yang tinignan ang parte sa bandang ibaba ng dibdib n'ya.May dugong unti-unting lumabas doon na kumakalat sa puti n'yang damit.Napaubo s'ya ng dugo at nanlabo ang mata bago tuluyang nawalan ng malay.

Shunrei's POV

Napaupo ako sa sofa na hinihigaan ko nang bigla akong makaramdam ng matinding kaba.Parang may masamang nangyari...si Hime!

Agad kong kinuha ang jacket ko at akmang lalabas na ng kwarto nang tawagin ako ni Mom.

"Shun...saan ka pupunta...?"Nanghihinang tanong n'ya sa 'kin.Nandito kami ngayon sa ospital ni Tito Miguel.Ang sabi ng doktor ni Mom,naging delikado ang baby sa tiyan n'ya dahil sa nangyari sa kan'ya.

"Sa labas lang."

Malamig na sagot ko sa kan'ya.Masama ang loob ko sa kanila ni Dad.Pinabayaan nila si Hime.Pinabayaan nila ang kakambal ko tapos aakto sila na parang walang nangyari?

"Pwede ba kitang mayakap,Shun...?"Ibang-iba si Mom ngayon sa karaniwang s'ya.Hindi s'ya maingay o isip-bata.Kadalasan,nakatanaw lang s'ya sa labas ng bintana nang tahimik.Nakatulala.

"Mom,just rest.You need it."

"Galit ka ba sa 'kin,anak...?"

"Hindi."

"Inaalala mo ba si V...?"

Napakuyom ang mga kamay ko.Ayokong nahihiwalay kay Hime kaya pakiramdam ko ngayon,ang laking parte ng pagkatao ko ang nawala.She's not just my sister.She's my twin.Nine months kaming magkasama sa loob ng tiyan ni Mom.Inilabas kami ni Mom sa parehong araw.Sabay kaming lumaki.Sabay kaming natuto.Lagi kaming magkaklase mula kinder hanggang elementary.Kung s'an magpunta ang isa,nand'on din ang isa.Ngayong hindi ko alam kung nasaan s'ya.Paano ako hindi mag-aalala?

"Patawarin mo ako,Shun...Naging mahina ang mommy mo..."

Hindi ko naiwasang lingunin s'ya.

"Kinailangan pa ng kakambal mo na magsakripisyo para sa 'kin."

Nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha n'ya.Tinakpan n'ya ng dalawang kamay n'ya ang mukha n'ya habang umiiyak."Ang magulang ang dapat na pumoprotekta sa anak.Bakit hindi ko magawang protektahan ang mga anak ko?Bakit ang hina ko...?"

Naglakad ako palapit sa kan'ya at niyakap s'ya.Hindi ako sanay na nakikita s'yang umiiyak.Si Mom ang pinakamasayahing tao na nakilala ko.Mabigat sa loob na makita s'yang umiiyak.

"I'm sorry,Shun..."

"Ssshh..."Pinunasan ko ang pisngi n'ya."I'll find Hime."

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon