Chapter 2 "Riot"

189K 6K 1.3K
                                    

Liryu's POV

"Bakit ayaw mong magsalita?Galit ka pa rin ba?"

Sabi sakin ni Saisumi.Nasa cafeteria kami dahil nagpasama sya.Wala daw kasi syang makasabay at ayaw na nyang magbayad ng masisirang property ng cafeteria pag nagkagulo na naman dahil sa kanya.

Humalukipkip lang ako at sumandal sa upuan.Tinignan ko sya ng walang kabuhay-buhay sa mata.

Naiinis ako.Nakakainit kaya ng dugo yung ginawa nya.Hindi ko matanggap,okay?Halos makipagpatayan ako,halikan nya lang ako sa pisngi tapos si Ceres?Si CERES?!

Argh!

"Masarap tong cake,ha?Gusto mo?"-Sai

"Ayoko."

"*pabulong*Galit nga...*tango-tango*"

"Buti ngayon,alam mo na."

"Alam ang alin?"

"Tss...Ewan ko sayo."

"So rude,my king."

Napakagat-labi ako.Pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti nung tinawag nya akong 'my king'.

Inilapit nya ng kaunti ang mukha nya sakin kaya medyo napaatras ako.

"Ilabas mo si Liryu."

"Huh?"

"Hindi ikaw si Liryu.Ilabas mo sya."

Seryosong sabi nya sakin.Hindi ko na napigilan.

Napatawa na ako.

Sh*t!Nakakatawa yung itsura nya!Hahahaha!And what the---!Ano daw?!Ilabas ko si Liryu?!Hahahahaha!

"There you are,Liryu.Nagpakita ka rin."-Sai

"A-ano bang---hahahaha!---sinasabi mo?"

"Masyado ka kasing seryoso tsaka...hindi ko naisip na tatawanan mo yung sinabi ko."

"Pfft.*chuckle*"

"So...hindi ka na galit?"

"Of course,my queen."

"Ayos!Oh,Louie,narinig mo yun?"

Napakunot ang noo ko.Nandito si Louie?

"Talo na naman ako."

Dun ko lang napansin kung sinong nakaupo sa katabi naming lamesa,sa likod ni Sai.

Nandun si Louie,Ken,Mirco at Ceres.

"Sinabi ko na sayo.Wag kang makikipagpustahan kay Sai."-Ken

"*tango-tango*Walang imposible sa kanya."-Ceres

"Ang dali mong bumigay,Liryu."-Mirco

"Anong sinasabi nyo dyan?"-Ako

"Nah...wag mo na lang silang pansinin."

Sabi ni Sai tsaka sya muling sumubo ng cake.I just shrugged in confussion.

Ilang minuto kaming natahimik at sa ilang minuto na yun,nahuli ko ang sarili ko na nakatingin lang sa kanya.

Tulad ng dati,kalmado pa rin palagi ang mukha nya.Malakas pa rin mang-asar at iba pa rin ang impact sakin kapag umentra na sya ng mga pick-up nya na ako dapat ang nagsasabi.

Ang nag-iba lang sa kanya ngayon,mas madalas na syang ngumiti at tumawa at kung dati,madalas wala syang pakielam sa mga nangyayari sa paligid nya,ngayon sya pa mismo ang madalas gumawa ng kalokohan.

Ilang taon na pala ang nakakaraan simula nung niligawan ko sya pero hindi ko man lang naramdaman yun dahil nag-e-enjoy ako sa bawat araw na kasama ko sya.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon