Chapter 14 "Reunion"

100K 3.7K 556
                                    

a/n:This is for LoveYuka.Ey..Ashy_Cutie.Hello sayo.:)Marami pang nagpapadedic kaya hindi pa kita mabibigyan ng dedication.Sa lahat ng nagpapadedic..just pm me.Pag-uusapan natin yan.Haha.



Liryu's POV

"Ayoko na.... "

Nakadukmo sa lamesa na daing ko.Naramdaman kong tinap ako ni Mirco sa balikat.

Nandito kasi ako ngayon sa lamesa nya. Bakit? Bawal lumipat? Tss...

Sabi ni Thea, magpahinga daw muna kami ng 30 minutes.Tsk.Buti naawa pa samin yung babaeng yun.

"Di ko akalaing madami palang gustong makipag-date sayo, Liryu. "

Rinig kong sabi ni Mirco. Inuntog ko na lang sa lamesa ang ulo ko ng ilang ulit. Wala akong pakielam kung magkabukol man ako.

"Gusto ko ng umalis dito. Argh... "-Ako

"Hindi ka ba nag-enjoy sa mga naka-date mo? Lahat sila, tuwang-tuwa sayo kahit ang iikli lang ng mga sagot mo sa mga tanong nila. *chuckle*"-Mirco

"Tss. Masyado silang mapagsamantala. Kapit dito, kapit dun. Kulang na lang, rape-in nila ako. "-Ako

"But they're amusing.Hindi ako naboring na panoorin kayo. Lalo na yung unang naka-date mo. Muntik na syang maka-score sayo,Liryu."

"*shivers*Don't make me remember that flirty girl again."

Pumikit na lang ako at kinalma ang sarili ko. Pinipilit kong kalimutan ang mga nangyari sakin.Para akong nasa loob ng isang bangungot.

Brr... di ko alam na ganun na pala ka-aggressive ang mga babae sa panahon ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim.Nasan na ba kasi si Sai?

Psh. Bakit ko nga ba sya hinahanap?Mukha namang wala syang pakielam kung ano man tong napasok ko. Kung may pakielam sya, edi sana kaninang umaga pa sya pumunta dito at hinila ako palabas ng booth.

'Akin ka lang. '

Hay..... Sinabi nga nya yan pero parang hindi ko naman ramdam na gusto nyang sa kanya nga lang ako.

"Liryu, may customer ka. "-Mirco

Inangat ko ang ulo ko at tumingin ako kay Mirco. Anong sinasabi nyang may customer ako eh wala pang 15 minutes akong nagpapahinga?

"My king. "

Biglang nagtaasan ang balahibo ko nung may malamig na boses na bumulong sa tenga ko.

Agad akong lumingon para tignan kung sinong bumulong sakin at ganun na lang ang pagkatulala ko nung makilala ko sya.

"S-sai? "

Parang nagliwanag bigla ang mukha ko at awtomatiko akong napangiti. Yung tipo ng ngiting hindi makapaniwala.

"A-anong ginagawa mo dito? "-Ako

Tumabi sya sakin at sumandal sa upuan tsaka dumekwatro.Idinipa nya pa yung dalawang kamay nya at ipinatong to sa sandalan ng sofa'ng inuupuan namin.

"Binili ko tong buong booth para sayo, psycho. "

She said with straight face. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Binili?! Yung booth?!

"Ano?! "-Ako

"Hindi ko alam kung pano mo nagawa but thanks, Sai. "

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon