Chapter 27 "Officially Yours"

112K 3.8K 1.1K
                                    

Liryu's POV

Malawak ang ngiti ko habang naglalakad sa hallway.Napapalingon ang lahat sa'kin.Karamihan sa kanila ay gulat ang itsura.Hindi ko sila masisisi kung ganyan ang reaksyon nila.Napakabihira ko lang naman kasing ngumiti sa school na 'to.At 'pag sinabi kong bihira,bihira talaga.

Why am I smiling?Tingin ko alam nyo na ang sagot kung bakit.Napakaganda ng gising ko sa araw na 'to.Maaga akong nagising at nag-prepare para sa pagpasok.Pagkalabas ko pa lang ng kwarto ko,nakangiti na ako.Binabati ko ang bawat maid na madaanan ko and that's very unusual.

Sumabay ako sa pag-aalmusal nila Mom.Nagtataka sila Mom sa ikinikilos ko pero si Dad,wala pa akong sinasabi sa kanya pero parang alam na nya.

Ako na ang naghatid kay Lyra sa M.A.I even let her kiss me on cheek so there.She went out of my car like a lotto winner.Himala 'tong nangyayari sa'kin.I can't stop doing angelic deeds.It's not a surprise if I'll be a real angel soon if I continue doing such things.

Huminto ako sa tapat ng isang classroom.Sumandal ako sa pader at humalukipkip.Naghintay akong matapos ang klase nya.Ang aga ng klase nya ngayon at hula ko,hindi na naman sya nag-almusal.

Maya-maya lang,nagsimula nang maglabasan ang blockmates nya.Dumaan ang ilang minuto,hindi pa rin sya lumalabas.Nakalabas na yata lahat ng kaklase nya pero wala pa rin sya.Wala na akong nagawa kundi silipin ang loob ng classroom.Napailing na lang ako nung makita ko syang nakadukmo sa lamesa nya at mukhang natutulog.

Tsk.Palagi na lang syang ganyan.Wala pa naman si Louie ngayon para gisingin sya.Mabuti na lang pala't pinuntahan ko sya.

Pumasok na ako ng classroom nila ng tahimik.I stopped and leaned down in front of her.Kinatok ko ng isang beses ang lamesa nya.

Umungol sya at unti-unting inangat ang ulo nya.Namumungay pa ang mga mata nya at ilang beses pa syang naghikab.

I can't stop chuckling while looking at her.

"Good morning,gorgeous."

I let out my most irresistible smile.Napatingin sya sa'kin at parang inaaninag pa kung sino ako.

"Liryu...?"

Matamlay na tanong nya bago nya kinusot-kusot ang mga mata nya at humikab.Pansin kong parang namumutla sya.Nawala yung ngiti ko at napalitan ng pag-aalala.

"Girlfriend,are you sick?"

Napahinto sya sa pagkuskos sa mata nya at tumingin sa'kin.

"No...I'm just sleepy.Don't be paranoid."

Tumayo na sya at binitbit ang bag nya.Napailing na lang ako.Mukha talaga syang may sakit.Sigurado ba syang ayos lang sya?

"Boyfriend,are you gonna stand there the whole day?"

Napakurap ako ng dalawang beses bago ako napalingon sa kanya.

"Ah yes.Sorry for spacing out."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya tsaka ako nagsimulang maglakad palabas.Napapakunot ang noo ko habang dinadama ko yung kamay nya.

Tsk.Mainit.

I intertwined our hands.Kinuha ko rin ang bitbit nyang tracing tube at 24 inches ruler.Seryoso lang syang nakatingin sa dinadaanan namin at ako naman,palihim na nakatingin sa kanya.

She looks really pale.She's not okay,I'm sure of it.

"Nag-almusal ka ba?"

Umiling sya kaya halos umikot ang mata ko dahil tama ang hula ko.

"You need to eat."

Hinila ko sya sa daan papuntang cafeteria.Hindi naman sya umangal.Matamlay lang syang naglalakad habang hawak ang kamay ko.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon