Chapter 41 "Disperse"

75.5K 3.1K 2K
                                    

Third Person's POV

Mag-isa sa kwarto nya si Liryu.Tulad ng dati,patay na naman ang lahat ng ilaw.Tahimik din.Wala kang maririnig na kahit anong ingay.

Nakaupo sya sa paanan ng kama nya at nakatitig sa may bintana.Hinihintay nyang pumasok sa kwarto nya si Sai mula sa bintana tulad ng lagi nitong ginagawa.

Pero wala.

Ilang oras na syang naghihintay pero wala pa rin.Walang Saisumi na dumadating.Wala nang biglang sumusulpot sa likuran nya at yayakapin sya.Wala na yung biglang magsasalita at aasarin sya pag nagulat sya.

It's been two days since the break up.Those days made him realize that moving on was not that easy.He's not even sure if he needs to move on.

He misses her every minute...every second.Minsan,naiisip nya na lang na gusto na nyang mamatay.Now,he already knows what Skhai felt before.Her effect is suicidal.

Nawala ang tingin ni Ryu sa bintana nang may kumatok sa pinto.Kahit hindi nya nakikita ang kumakatok,alam nyang si Lyra 'yon.

"Kuya...?Nandyan ka ba...?"

Hindi sya sumagot.

"Kuya...Kasi...nasa sala si Ate Mira..."

Hindi pa rin s'ya nagsalita.

"Ahm...ano...sasabihin ko bang hindi ka nya makakausap o bababa ka...?"

Wala pa ring nakuhang sagot si Lyra.Napakamot na lang sya sa ulo.Alam nya ang pinagdadaanan ngayon ng kuya nya.Alam nya dahil nang gabing 'yon,sya ang sumundo sa kuya nya sa Marcus Academy.Hindi nya inasahang ganoon ang dadatnan nya.Na makikita nya ang kuya nyang cold,bully at maloko sa gitna ng field na mag-isa.Hindi humihinto sa pag-iyak.

"Baka natutulog,"bulong ni Lyra sa sarili nya.Bababa na sana ulit sya para puntahan si Miracle sa sala pero napatigil sya nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Liryu.Nilingon nya ang kuya nyang lumabas ng tahimik.

"Kuya...?"

"Ako nang bahala sa kanya.Pumunta ka na sa kwarto mo.Matulog ka na."Dahil sa lamig ng boses ni Liryu,napatango na lang si Lyra.

Mula sa second floor,bumaba si Liryu na seryoso ang mukha.Nadatnan n'ya si Mira sa tapat ng picture frame nya na naka-display sa bandang gilid ng sala.

Tulad ng dati,nakasuot pa rin 'to ng isang simpleng dress at sandals habang nakaupo sa wheelchair nya.Malaanghel pa rin ang itsura ni Miracle kahit walang kahit anong make-up ang nakalagay sa mukha nya.

Lumingon 'to sa kanya nung narinig nito ang pagbaba nya sa hagdan.

"It's already 10 pm.Bakit pumunta ka pa dito?"

"Liryu."Sinubukang tumayo ni Mira mula sa wheelchair nya pero bumagsak lang sya sa sahig."O-ouch..."

Halos mapairap si Liryu.Bumuntong-hininga sya ng malalim bago nya nilapitan si Mira.Binuhat nya ito at ibinalik sa pagkakaupo nito sa wheelchair.Hindi maitatago kay Mira ang saya nya nang magkadikit sila ni Liryu.

"Thank you..."

"I'm not in the mood to talk to anyone.Umuwi ka na."

"B-but I just got here and-"

"Mira."

Napahinto sya sa pagsassalita dahil sa tono ng boses ni Liryu.

"Just go home and don't come back again.Hindi na ulit ako bababa para kausapin ka."

Ipinamulsa ni Liryu ang dalawang kamay nya at tumalikod na para umakyat ulit sa kwarto nya.Napatulala si Mira dahil sa sinabi ng ex boyfriend nya.

May nagawa na naman ba syang mali?Bakit gan'on na lang kung balewalain at ipagtabuyan sya ni Liryu?

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon