Chapter 50 "Rival Revealed"

51K 1.8K 817
                                    

a/n: Here's another book cover made by a talented reader that I also can't remember

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

a/n: Here's another book cover made by a talented reader that I also can't remember. Haha. This guys are surely talented.

Hi! I would love to know you again. Drop a comment or send me a message if you read this. Only if you want. Haha.

Another chapter updated! Enjoy reading~

Saisumi's POV

Pinapaikot ko sa kamay ko ang ballpen na hawak ko habang nag-iisip ako ng malalim. Nakatulala lang ako lamesa. Ni hindi ko maalala kung anong iniisip ko. Ano nga ba 'yon?

"Sai. Hoy, Sai. Wake up. Nawawala na naman signal namin sa 'yo."

Tinulak pa ako ni Matt ng mahina sa braso habang nakaupo ako. Hininto ko 'yong pagpapaikot ng ballpen sa pagitan ng daliri ko saka ko sila tinignan. Nakatingin din silang lahat sa 'kin.

Si Dad na nasa swivel chair. Si Shun na nakaupo sa tapat ko. Si Louie na nakaupo sa tabi ni Shun. Si Malison na nasa sofa at hindi mabitawan sa damit si Mirco dahil sa takot at kaba. Lahat sila, na sa 'kin ang tingin. Nandito kami ngayon sa office ni Mom sa S.O.

"Nagawa kong warningan si Ryu gamit 'yong radyo ng isang sumugod sa inyo sa rest house kaso mukhang may plan B pala sila," sabi ni Louie na tulad ko, parang nakatulala rin.

Hinimas ko ang batok ko bago ako umayos ng upo. No'ng natutulog ako, lagi kong naririnig si Liryu. Kinakausap n'ya ako. Minu-minuto pa nga yata. Nakakapanibagong wala s'ya ngayon sa tabi ko para magsabi ng kung ano-ano. Damn. I miss my psycho.

"Hindi ko lang maintindihan. Ang akala ko, si Sai ang gusto nilang makuha kaya hinahabol nila si Liryu. Bakit.." saglit na tumigil si Matt sa pagsasalita at tumingin sa 'min. "..bakit si Liryu? Anong meron sa kan'ya?"

Naalala ko na. 'Yan 'yong iniisip ko kanina.

"Sabi ni Kurt, ni-request s'ya ng isang business partner," bulong ko pa sa sarili ko pero narinig din naman nila.

Napansin kong nagkatinginan si Mirco at Louie.

"Baka naman kasabwat din 'yang si Marcus? Lumang codename n'ya ang ginamit nila no'ng nahack tayo," sabi naman ni Shun.

Kay Louie at Mirco lang ako nakatingin. Lumunok si Louie bago nagsalita.

"Ginamit namin ang dating codename ni Ryu dahil 'yon ang gusto ng business partner ni Kurt. Gusto n'yang sirain si Liryu at Sai. Ang akala n'ya, pag sinali namin ang pangalan ni Liryu sa mga potensyal na kalaban n'yo, magkakasira kayong dalawa."

Naningkit ang mga mata ko. 'Yon din ba ang dahilan kung bakit nakita ko kay Liryu 'yong flashdrive na may lamang files namin? They tried to frame him up. Ah. This thoughts running in my mind are irritating me.

"Akala ko ba, itong S.O. ang habol nila? Bakit nagmumukhang si Marcus na," tanong ulit ni Shun. Nakarinig kami ng malalim na buntong-hininga galing kay Mirco.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon