Chapter 38 "Kurt Says"

67K 2.3K 433
                                    

Liryu's POV

"Nakita nyo ba si Louie?"

Tanong ko sa blockmates ni Louie.Lagi na lang nawawala si Louie.Wala rin ngayon si Sai. Ang sabi kasi nya sa 'kin, may emergency daw kaya hindi sya makakapasok.

"Hindi pumasok, pre.Galit na galit nga sa kanya yung isa naming prof kasi may presentation dapat sya ngayon."-blockmate#1

Napakamot na lang ako sa ulo ko.Bakit naman aabsent si Louie kung may presentation dapat sya? Hihiramin ko sana yung flash drive nya dahil naiwan ko yung akin.May kailangan akong i-copy na file sa library.Si Mirco naman, wala din daw dala.Geez...

"Ganun ba?Sige salamat,pre."

Naglakad na lang ulit ako pabalik sa library para kunin yung mga gamit ko.Mukhang no choice ako kundi balikan na lang bukas yung ginawa kong---

Boogsh!

Isang lalaki ang nakabanggaan ko habang papasok ako ng library.Nagkatamaan ang balikat naming dalawa kaya medyo masakit.

"Sorry,"mababa ang boses na sabi nya bago sya nagmamadaling naglakad paalis.Nahagip ng paningin ko ang itsura nya.Hindi pamilyar yung mukha nya.Baka taga kabilang building.

Dire-diretso na akong pumasok sa library at umupo ulit sa tapat ng computer na ginagamit ko kanina.

Sinave ko lang yung ginawa ko.Susubukan ko na lang tong balikan sa lunch break bukas.Tinatamad na akong ulitin to sa bahay.

Habang sine-save ko yung file, nag-vibrate yung cellphone ko.Kinuha ko yun mula sa bulsa ko pero pagkahugot ko nung cellphone, may nalaglag sa sahig.Isang...flash drive..?

Oh. Flash drive nga. Pero wala akong matandaang may ganito akong flash drive.Eh kanino 'to? Bakit nasa bulsa ko?

Nagkibit-balikat ako bago ko sinaksak sa CPU yung flash drive.Mas maganda na 'to kesa wala.

May mga folder na laman yung flash drive pero wala akong makitang file na makakapagsabi sa 'kin kung kanino 'to.Isa pang nakakuha sa atensyon ko ay ang folder na may file name na 'STRIKE'.

Strike?

Dahil lagi akong curious, binuksan ko yung folder at ang bumungad sa 'kin...

"Name:Yumiko Tokima Almante.
Codename:Lady Mia
Info:Known as the brain of the organization.Currently the president of S.O. that will---"

Teka.Identity?Info?S.O.?Ano 'to? Secret files?

Third Person's POV

Ilang araw nang nakaupo sa pwestong 'yon si Yumiko.Hindi na sya gumagalaw sa sobrang panghihina.Bakat na bakat sa maputi nyang kamay ang lubid na ginamit na pantali sa kanya.Kung hindi mo titignan ng mabuti,hindi mo aakalaing si Yumiko 'yon.

"A-ah..."

Daing nya nang kumirot ang tiyan nya.

"K-kapit ka lang, baby...W-wag mong iiwan si Mommy,ha?Dadating na ang daddy mo...d-dadating na sya---"

Napahagulgol na naman ng iyak si Yumi.Ilang araw na nyang sinasabi 'yon at ilang araw na rin syang umaasang bubuksan ni Saimon ang pinto ng kwartong kinalalagyan nya.

Pero kada araw...nabibigo sya.Walang Saimon na dumadating.

May nagbukas ng pinto.Hindi na nag-angat ng ulo si Yumiko dahil kabisado na nya ang tunog ng yapak ng taong pumasok.

"Pinakain nyo na ba 'to?"

"Ayaw kumain,boss.Tanong pa nang tanong.Nakakarindi."

Napansin ni Yumi ang taong lumebel sa kanya.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon