Chapter 44 "Escapee's Partner"

55.5K 2.6K 1K
                                    

Third Person's POV

Isang lalaki ang mat'yagang naghihintay sa bubungan ng isang malaking bahay sa gitna ng kagubatan.Nilalaro n'ya sa kamay n'ya ang isang bala ng rifle na dala n'ya.Nakatingala s'ya sa langit habang nag-iisip ng malalim.

Thinking..is this alright?Will everything be fine again?Is he ready for the things that might change?

Napahinto s'ya sa pagmumuni-muni nang makarinig s'ya ng isang napakahinang tunog galing sa baba.Pumwesto agad s'ya ng maayos at hinawakan ang rifle n'ya.

It's a sniper rifle that has a telescopic sight and can eliminate a multiple target in seconds within 500 meters.

Inayos n'ya ang hood sa kan'yang ulo bago sumilip sa scope ng rifle.Sinusundan n'ya ng tingin ang isang babaeng nakaputi at may suot na itim na jacket.Halata sa mga galaw nito na wala itong balak na gumawa ng kahit anong ingay.Tinitigan n'ya pa ang babae.Gumamit s'ya ng sniperscope para mas maayos na makakita dahil madilim ang paligid.

Napahigpit ang hawak n'ya sa rifle habang tinititigan ang mukha ng babae.His dark eyes were filled with loneliness and sadness with a bit of anger.Anger for the person who did this to them.

"Hey...,"malumanay na bulong n'ya sa hangin.Alam n'yang hindi s'ya nakikita o naririnig ng babae pero hindi n'ya mapigilang mapangiti ng wala sa sarili.

Biglang nawala ang ngiti n'ya nang tumahol ang isang aso at bumukas lahat ng ilaw sa malawak na bakuran ng bahay.Pumwesto agad s'ya at walang alinlangang binaril ang aso sa tagiliran nito.

May pumasok agad sa isip n'ya nang marinig n'ya ang putok ng sarili n'yang baril.

----------

"May natitira pa palang kakapalan sa mukha mo para magpakita sa 'kin."

"Hindi ako nagpunta dito para makipag-away."

"Wala na ulit akong balak magkaroon ng koneksyon sa 'yo.Umalis ka na lang."

"Tulungan mo s'ya."

"Ano?"

"Kailangan ka n'ya.Tulungan mo s'yang makatakas."

"Bakit naman ako maniniwala sa isang traydor?"

"Dahil mamamatay s'ya kung wala kang gagawin."

----------

Umiling s'ya ng bahagya para bumalik ang focus n'ya.Napamura pa s'ya nang maalala n'yang hindi n'ya nilagyan ng silencer ang rifle.

"Ano 'yon?,"rinig n'yang tanong ng isang lalaki na nasa ibaba lang ng pwesto n'ya."Putok ng baril galing sa taas,pre!"Napamura ulit s'ya ng malutong.Mahuhuli s'ya kung hindi agad s'ya aalis sa pwesto n'ya.

Bago s'ya umalis,tinignan n'ya ulit ang babae at ang mga lalaking tumatakbo na papunta sa direksyon nito.

"Shit!Why aren't you moving?!,"frustrated na bulong n'ya.Naririnig n'ya na rin ang mga taong papunta sa pwesto n'ya.Hindi na s'ya nag-isip pa kung uunahin n'ya bang tumakas muna.Nagpaputok ulit s'ya ng baril na tumama malapit sa paanan ng babae para sabihin ditong tumakbo na ito.

Kahit nasa alanganing sitwasyon na rin s'ya,nagawa n'ya pang makahinga ng maluwag nang makita n'yang nakuha ng babae ang mensahe n'ya.

"HOY!SINO KA?!PAANO KA NAKAPASOK DITO?!"

Mabilis ang naging paggalaw n'ya papunta sa dalawang lalaki.Agad n'yang sinuntok sa sikmura ang una at isang sipa naman sa dibdib sa pangalawa.Alam n'yang malakas na ang naging suntok at sipa n'ya pero hindi n'ya inasahang makakatayo pa ang dalawa.

Naglabas ng pistol ang unang lalaki at tinutok sa kan'ya.

"Easy there,"sabi n'ya sa lalaking may hawak na baril habang tinataas n'ya ang dalawang kamay n'ya na parang sumusuko.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon