Chapter 46 "Target's Location"

49.4K 1.7K 523
                                    

Matthew's POV

It has been three weeks,I think pero hindi pa rin namin nakikita si Sai.Kahit si Mirco.O yung Malison.O kahit...kahit si Liryu.Nawala sila ng walang kahit anong trace.Ang ipinagtataka ko...bakit pati si Liryu?

"Wala akong balita...Nung gabing tinapos ni Liryu ang ugnayan naming apat,hindi ko na ulit nakausap ang isa man sa kanila."

Napainom na lang ako ng kape habang nakikinig kay Louie.Heto na naman ako.Sinusubukan na namang hanapin yung apat kahit alam kong medyo imposible.Eh paano ko ba naman kasi tatakasan si Shunrei kapag iuutos n'ya 'to?

Isa pa 'yon.Halos hindi na umuwi sa kanila kakapunta sa kung saan-saan para maghanap.Balita ko,dumadalas din ang pag-atake ng insomnia n'ya.Isang buwan na lang,manganganak na si Miss Yumiko.Paano na sila?Aish.

"P're,dederestahin na kita.Kailangan namin ng tulong mo.Ikaw ang top hacker dito.Malaki ang maitutulong mo sa 'min."

"Sorry.Tinigilan ko na ang business na 'yan.Ngayong kasama na ulit namin ang mga magulang namin,wala nang dahilan para sa maruming gawain."

"Come on.Paano na ang mga kaibigan mo?Wala ka na bang pakielam sa kanila?"

He took the deepest breathe you can imagine.

"Hindi nila ako kailangan.And Liryu don't want to see me cause I betrayed him.I broke his trust na napakahirap kunin."

"That's why you need to help us to find them!Gain his trust again.Siguro,kaya nawawala rin s'ya ngayon dahil hinahanap n'ya rin si Sai.Kapag natulungan mo s'ya,baka magkaayos na ulit kayo."

Medyo nawala ang confidence ko nang makita ko ang galit sa mukha n'ya.Lumapit s'ya ng konti sa 'kin at parang konti na lang eh mananakal na s'ya.

"Stop using my weakness to get what you want."May gigil sa boses n'ya na parang ang lalim ng pinanggagalingan."I'm already tired of it.I lost my friends because of those tempting offers you people give.I am no longer the top hacker you know.I already chose to be the plain and nonthreatening college boy."

"So how's life?Ah,mali.How lonely is your life now,college boy?"

Nakita kong kumuyom na ang kamao n'ya at parang manununtok na.Syempre,kinailangan kong dumistansya ng konti.Mahirap na.Masarap pa naman yung kape.

"Tigilan mo na ako,Matt.Wala kang mapapala sa 'kin."

Napahilamos ako sa mukha ko nung tumayo na s'ya para umalis.

Damn.Pakiramdam ko,binusted ako ng nililigawan ko.S'ya na nga lang ang huling taong naiisip kong makakatulong sa 'min,tinanggihan pa ako.Dapat ba,umiyak ako sa harap n'ya?Lintik.

Teka...

"Louie,sandali! Bakit hindi natin pag-usapan ang kaligtasan ng pamilya mo?"

Mahaba-habang usapan 'to.

Third Person's POV

"Hindi n'yo pa rin ba nahahanap?!"Pagwawala ng babae sa loob ng isang kwarto kung nasaan din si Kurt na tahimik na umiinom ng wine at nag-iisip.

Umiling ang limang lalaking nakatayo ng tuwid at hile-hilera.

"Mga bobo!Mga walang kwenta!"Sa gigil ng babae ay hinagis n'ya ang wine glass papunta sa pader."At ikaw,"baling n'ya kay Kurt."Bakit ba hindi mo pa kunin ang organisasyon na 'yan.Nasa 'yo na lahat ng kailangan mo,'di ba?"

Umiling si Kurt."Technically speaking,pagmamay-ari na ng anak ko ang organisasyon dahil 'asawa' na s'ya ni Saisumi Almante.Kailangan ko pa si Mirco para ipasa sa 'kin ang kapangyarihan."

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon