Prologue

273 13 65
                                    

"Elle."


Tumayo ako nung tinawag ng teacher yung pangalan ko para sagutin yung equation sa blackboard. Kahit na hindi ko alam kung ano yung tamang sagot ay nagtaas pa rin ako ng kamay at sinagutan pa rin yung nasa board.


"Elle. Remember, multiplication na tayo. Seven times three ba ay ten?" Mahinhin at dahan dahang tanong ng teacher ko.


Tiningnan ko ulit yung sagot ko at nagbilang gamit ang daliri ko.


"Opo!" Confident kong sagot nang makita kong umiiling iling yung kakambal ko na si Elijah or Eli. "Ay hindi po pala!"


Pagkatapos nun ay pinaupo na ako ng teacher ko at tinuro niya ulit kung paano magmultiply. At pagkatapos ng school ay nagpaturo rin ako sa kakambal ko, mas matalino siya kesa saakin eh.


"Nagets mo na ba?" Tanong saakin ni Eli pagkatapos niya akong turuan.


"Hmm, oo?" Sabi ko habang nilalaro laro yung eraser ng pensil ko sa pisngi ko.


Bigla naman tinakpan ni Eli yung magkabila kong tenga. "Ayan para hindi lumabas sa magkabila mong tenga yung natutunan mo."


"A-hia naman!" Tinaboy ko yung kamay niya pero tumawa lang siya. Mas matanda kasi si Eli saakin ng 2 minutes kaya a-hia ang tawag ko sakanya, yun kasi yung tawag sa kuya sa chinese. Paminsan naman gē ge, pero madalas Eli lang hehe. "Alam ko na noh! Magulat ka nalang at ako na yung magigimg representative para sa math competition ng gradeschool."


Mas lalo naman siyang natawa at bumalik na sa study table niya. "You wish. Multiplication table pa nga lang hindi mo na mamemorize eh."


Jokes on him kasi after a year nakasama nga ako sa isang math competition ng school namin at nanalo pa.


"Congratulations! Ang galing galing talaga ng kambal ko!"


Niyakap at hinalikhalikan kami ni mommy pagkapasok palang namin sa restaurant. Pamilya namin yung may-ari nitong chinese restaurant, medyo sikat siya dito sa Binondo dahil sa mga chinese specialty nila daddy na pinamana pa sakanya ng mga ninuno namin. Dito na kami dumeretso galing school kaya soot soot pa rin namin yung mga uniform at syempre, mga medal namin.


"Ayan na pala yung mga matatalino kong mga anak eh," sabi ni daddy mula sa kusina.


"Mommy oh, first place po!" Masayang sigaw ko at pinakita yung medal ko na gold.


"Galing galing naman ng Elle namin na yan. At dahil dyan, pinagluto kita ng favorite mo," sabi ni mommy at nung nakita ko yung sweet and sour chicken na nasa table ay mas lalong lumawak yung ngiti ko.


"Xièxiè, māmā!" Niyakap ko ulit si mommy.


"Sus, nakatyamba ka lang eh," pang-aasar saakin ni Eli.


"Hindi kaya!" I pouted. "Nag-aral ako noh!"

Chained To You (Fate Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon