Chapter 17

31 2 5
                                    

"Hi! Buti nakasama ka? Sabi kasi ni Kenzo sa group chat baka hindi ka raw sumama eh." 


Tumabi na saakin si Mackey sa sofa dito sa lounge ng hotel habang hinihintay namin yung check-in time namin. Napaaga daw kasi yung dating namin dito sa El Nido. Oo, nasa Palawan kami ngayon at kagabi ko lang nalaman na sa Palawan pala kami pupunta, akala ko sa malapit lang. Hindi tuloy ako masyadong nakatulog dahil naglast minute ligpit pa ako ng mga dadalhin. 


Buti nga rin wala pa akong nakaschedule na hospital duty ngayon eh kaya pwedeng pwede pa ako pumunta kung saan. Yung iba ko kasing kabatchmate may mga hospital duty na ngayon kaya putol agad bakasyon nila.


"Ang sabihin mo, buti nalang at nagkabati sila bago magpasko kundi baka pati si Kenzo hindi sumama dito," sabi ni Rachel na kakaupo lang din sa isa sa mga couch dito.


"Huh? Nagkaaway kayo?" Gulat na tanong ni Mackey saakin.


"Ohhhh, anong issue yan? Sali!" Excited na sabi ni Mia at lumapit pa talaga sa tabi ni Rachel para makinig.


Tanging ngiti lang ang sinagot ko sakanila dahil wala naman talaga akong balak ikwento kasi yun yung past na hindi na dapat binabalikan. 


"Hey, what's up?" Tanong ni Kenzo tsaka umupo sa kabilang side ko. 


"Inaaway mo raw itong si Elle! Hay nako. Ano nanaman ginawa mo ah?!" May pangigigil na sabi ni Mackey tsaka pinalo siya mula sa likuran. Siguro kung wala lang ako sa tabi nila baka mas malakas pa yung palo ni Mackey sakaniya haha. 


"Uhm." Tumingin saakin si Kenzo habang nakakagat labi tsaka napatingin sa mga kaibigan niya.


"Huy, Mackey. Ang ingay mo nanaman," sabi ni Edwin tsaka uupo na sana sa gitna nila Mia at Rachel pero hindi umusog si Mia.


"Ehh. Mamaya mo na tabihan yung jowa mo. Nagchichikahan pa kami oh," sabi ni Mia habang hindi pa rin umaalis sa pwesto niya.


"Itong si chika oh. Ano bang topic ngayon?" Tanong ni Edwin na wala na siyang magawa kundi umupo na sa bakanteng pwesto sa tabi ni Mia.


"Actually, you know about this, babe. Ikaw na nga magkwento kung bakit nag-away sila Kenzo, ayaw sabihin ni Kenzo eh," sabi ni Rachel at lahat kami napatingin kay Edwin.


"Huh? A-ako? Alam ko? Hindi ah," sabi ni Edwin sabay iling at humalukipkip.


"Eh bakit kayo uminom ni Kenzo sa condo recently. Remember when Kenzo got really drunk and started to cry?" Tanong ni Rachel at nagpigil nang tawa sila Mackey, Mia, at Edwin.


"Babe. Baka matagal na yun," sabi ni Edwin habang nagpipigil nang tawa.


"Huh? Hindi ah. Ngayon lang yan umiyak habang nag-iinuman kayo eh. Hanggang sa pagtulog nga umiiyak pa rin," patuloy na sabi ni Rachel.


"Anak ng pucha. Tol, yung bibig ng jowa mo--" Napatigil sa pagsasalita si Kenzo ng taasan siya ng kilay ni Rachel. "Ay match sa bibig mo. Paglapatin mo na nga para hindi na makapagsalita. Hay, hindi pa ba pwede magcheck-in?"

Chained To You (Fate Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon