Chapter 7

126 7 36
                                    

"Good morning."


Halos mabilaukan ako sa biglang nagsalita. Napatingin ako doon with my mouth full at nakita si Kenzo na kakababa lang.


Nilunok ko muna yung pagkain sa bibig ko bago magsalita.


"Goodmorning! May mainit na tubig na doon sa thermos kung gusto mo magkape," sabi ko at as expected dumeretso nga siya doon sa loob ng kusina habang ako ay nagpatuloy lang kumain dito.


Sa halos tatlong buwan ba naman namin magkasama sa iisang bubong, hindi pwedeng hindi ko pa nagegets yung routine niya. Isa doon yung pagkababa niya sa umaga ay nakabihis na siya na pang-alis at bago umalis ay magkakape muna siya.


Pero nagtaka ako nung biglang umupo siya sa harap ko na may dala dalang plato at kutsara tsaka nagsimula ng kumuha ng sinangag na niluto ko.


"Kakain ka ng breakfast?" Tanong ko.


"Marami akong gagawin ngayon sa trabaho," sabi niya sabay kagat nung hotdog at parang nahihiyang tumingin saakin nang deretso. "Kailangan ko ng energy."


Napangisi naman ako doon. Nahiya pa ang loko, cute.


Binigyan ko pa siya ng itlog kaya napatingin siya saakin. "Pakabusog ka, Mister Engineer."


Sumubo na ako nung pagkain ko nang bigla lagyan niya rin ng itlog yung plato ko.


"Ikaw rin, Misis Nurse."


Nasamid naman ako sa sinabi niya at agad napainom ng kape ko. Takte, ano raw? Misis Nurse? Hahaha. Bakit ganun, ang panget pakinggan pero dahil sakanya nanggaling, nakakakilig huhu.


"Kumain ka na dyan, malalate ka na hahaha." Pinagtawanan pa ako nung loko dahil ata sa pamumula ko. Potek, ikaw may kasalanan ito eh!


Pagkatapos kong kumain ay naghugas na ako ng pinggan at umakyat na para maligo at makapagready na para sa klase ko ngayong araw. Hay, nakakatamad magcommute.


Pagkababa ko ay chineck ko muna kung may naiwan ako. Pagkabukas ko ng fridge para kumuha ng tubig para sa tubigan ko ay bumungad saakin yung baunan na hinanda ko para kay Kenzo.


"Hindi nanaman niya kinuha." Napabuntong hininga nalang ako tsaka kinuha iyon para ilagay sa bag ko kahit na may sarili akong baon.


Kung ayaw niya, edi ako nalang kakain.


At pagkatapos nun ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay dahil baka matraffic na ako. Pwede naman ako magtrain para mas mabilis kesa sa jeep kaso baka mahaba na yung pila doon kasi 7 na ng umaga eh.


"Ang bagal mo naman."


"Ay omg!" Nahulog ko tuloy yung susi ko habang nilolock yung gate, kinuha ko agad yung susi at napatingin dun sa nagsalita. Laking gulat ko at si Kenzo pala yun. "Bakit hindi ka pa umaalis?"

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now