Chapter 4

199 10 66
                                    

"Asan ba kasi yung asawa mo at bakit hindi siya yung sumusundo sayo?"


Sabay na namin ni Kitkat nilagay sa kotse niya yung last na gamit ko na nasa dorm. Ngayon lang kasi ako nagkatime para kunin yung mga natitira kong gamit sa dorm eh. Partida may klase pa ako kaninang umaga kaya hanggang ngayon ay nakauniform pa rin ako.


"Busy yun," sabi ko nalang.


"Sus. Busy pag dating sayo?" Sarkastikong sabi niya sabay sarado na nung trunk. "Hiwalayan mo na kasi."


"Baliw ka ba? Dalawang linggo palang kaming kasal hahaha." Tumawa ako tsaka pumasok na sa shotgun seat.


"Ano papaabutin mo pa ng isang taon?" Sarkastikong tanong niya.


"Ay? Hindi ka ba informed na pang lifetime na ito?"


"Hala. Lifetime katulong? Jusko, hindi ka pa nagsasawa? Eh kahit nga ata marinig lang yung paghinga mo, ayaw niya eh," sabi niya tsaka nagsimula ng mag-drive paalis.


"Matatanggap din ako nun," sabi ko ng nakafake smile.


Pero may possibility naman na magiging okay siya saakin diba? Kahit na hindi niya ako kayang mahalin, at least man lang maging goods kami kasi kahit na kasal lang kami sa papel, kasal pa rin kami.


Dumaan muna kami sa Mcdo para pakainin ko itong isang ito dahil kanina pa nagpaparinig na gutom na raw siya.


"Hay. May service fee ba ako dito? Takteng yan. Bigat ng mga gamit mo ah."


Tapos na naming ibaba lahat ng gamit ko at dahil kami lang dalawa yung andito ay kami na rin ang nag-akyat nun sa kwarto.


Nagstretch na muna si Kitkat bago humiga sa kama ko habang ako naman ay kumuha na ng damit sa closet ko dahil may pupuntahan pa ako at ayokong lumabas ulit ng nakawhite uniform.


"Teka lang ah. Magbibihis lang ako then sabay na tayo umalis," sabi ko at papasok na sana sa C.R.


"Saan ka pupunta? Akala ko ba pahinga day mo ngayon?" Tanong ni Kitkat sabay upo sa kama ko.


"Kay Kenzo. Lagi kasi siyang late umuuwi kaya dadalhan ko siya ng dinner," sabi ko.


Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ano ka? Nanay niya?"


"Hindi pwede maging concerned?" Tanong ko.


She sighed in disappointment. "Pwede naman, sis. Pero sana makita mo rin na binabalewa lang niya yang effort mo. Sayang lang, saakin mo nalang ibigay."


"Asawa ba kita?" Pabiro kong tanong sabay tawa at napatingin sa relo. "Ay hala, tara na nga. Maggagabi na pala."


Nag-ayos nalang ako ng itsura ko tsaka nagmadali nang umalis ng bahay para maabutan pa si Kenzo bago siya kumain ng dinner. Sayang naman kasi yung niluto ko para sakanya kung hindi niya naman makakain.

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now