Chapter 3

218 11 74
                                    

"Ma, whose house is this?"


Madali lang natapos yung wedding reception at kinagabihan ay umalis na rin kami agad dahil may pupuntahan para raw kami sabi ng mga magulang namin.


Tumingin ako sa modernong bahay sa tapat. Simple lang siya na may dalawang palapag compared sa mga modern houses ngayon pero maganda siya tapos kahit may fence siya sa harap ay medyo kita pa rin yung frontyard. Glass yung mga windows pero mukhang narra yung main door. White na may wood color and black yung kulay nung bahay at mukhang bago pa.


"Yours, silly! It's our wedding gift! Ta-dah!" Sabi ni mama kay Kenzo at naghand-gesture pa.


Nagulat naman ako sa sinabi ni mama at nagpapalit palit yung tingin sakanya at sa bahay. Sa-saamin ito?


Kakatapos lang ng reception namin, simpleng kainan lang naman at walang inuman kaya maaga rin natapos at dumeretso na kami kaagad dito kahit gabi na.


"You're kidding, right?" Gulat ding tanong ni Kenzo.


"No, of course. Ano sa tingin mo, hahayaan ko lang kayo na tumira sa magkaibang bahay? Anong klaseng mag-asawa yun?" Binuksan na ni mama yung gate para makapasok na kami.


Lumapit ako kay mommy sabaybkapit sa braso niya para bumulong. "Mommy, alam niyo po ito?"


"Oo naman. Ano? Maganda ba?" Excited na tanong ni mommy.


"Mommy!" May pagkairita kong sabi.


Ni hindi man lang nila kami tinanong kung okay lang ba saamin. Halata tuloy sa itsura ni Kenzo yung pagkainis nanaman kay mama.


Pumasok na kami sa loob at sinundan na si mama. Mas lalo naman akong namangha sa interior niya, like wow. Ang ganda tapos parang lahat na ng furnitures na kakailangan namin nandito na.


"Complete na yung mga furnitures na kakailanganin niyo kaya hindi niyo na kailangan pang bumili. Gamit niyo at kayo nalang ang kulang pero yung iba niyong damit ay dinala na namin at nasa masters' bedroom na," sabi ni mama.


"Ano? Dito na ba kayo magspespend ng honeymoon?" May pang-aasar na tanong ni Tito Jude.


"No!" Sabay naming sabi at napatingin sa isa't isa pero agad din akong umiwas nang tingin dahil ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko.


Nagsitawanan naman yung mga magulang namin. Takte, kahiya!


"Aww, cute niyo hahaha," natatawang sabi ni mommy.


"Diba? Hahaha. So kailan kayo lilipat dito para masabihan ko na yung van na tutulong sainyo na magbuhat ng gami--"


"I'm not moving here," biglang sabi ni Kenzo at aalis na. Pipigilan ko na sana siya nang biglang magsalita si mama.


"At saan ka naman titira?" Tanong ni mama at humalukipkip.


Chained To You (Fate Series #4)Место, где живут истории. Откройте их для себя