Chapter 10

66 6 19
                                    

"Excuse me po. Saan po dito si-- mommy!"


Tumakbo agad ako papunta kay mommy nung nakita ko siya pagkapasok ko ng emergency room.


Niyakap niya ako agad ako nang mahigpit pagkalapit ko at ramdam ko yung pagkakanginig niya. Niyakap ko rin siya pabalik at bumulong na magiging okay rin ang lahat kahit na nanghihina rin ako.


Kinwento saakin ni mommy yung nangyari kanina na bigla nalang daw nahimatay si daddy sa restaurant. Sabi rin ng doctor, mataas daw yung bp niya at kailangan niya raw magpahinga.


Nakakatakot lang dahil na baka maulit nanaman yung dati na inatake siya sa puso at muntikan na siyang mawala saamin kung hindi lang naagapan agad. Marami na rin kasing iniindang sakit ngayon si daddy eh. Bukod sa recent surgery niya ay hypertensive rin siya at diabetic din tapos may katandaan na rin. Kaya nga hangga't maaari hindi na siya pwedeng mapagod talaga pero matigas yung ulo eh, gusto pa rin magtrabaho. Tsk.


Kinailangan mag-overnight stay ni daddy dito sa hospital para mamonitor siya ng maigi.


Pumayag naman ako na ako nalang magbantay sakanya kahit na may klase ako bukas dahil kinailangan umuwi ni mommy para tingnan yung bahay at restaurant, sa pamamadali nila kasi kanina hindi nila raw ata nasarado mabuti yun. Si Eli naman, hindi makontact, mukhang nakatulog na kaya tinext ko nalang na sunduin kami bukas para hindi na namin kailangan magcommute at baka mapagod pa si daddy.


"Magbabayad na po ng bill ni Francis Chua."


Nilabas ko na yung wallet ko at magbabayad na sana nung bill ni daddy gamit yung pera na binigay saakin ni mommy pero nagulat ako nung may nauna saakin magbigay ng pera sa cashier.


Napatingin ako sa taong iyon at laking gulat ko nang makita si Kenzo.


"K-kenzo? Bakit ka andito?" Nagtatakang tanong ko pero tiningnan lang niya ako at kinuha na yung resibo.


"Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi?" Tanong niya at binigay na saakin yung resibo. Teka, naiinis ba siya?


"Hindi ko alam--"


"Sobra akong nag-alala sayo, alam mo ba yun? Akala ko kung napaano ka nung hindi ka bumaba for breakfast at kahit anong katok ko sa kwarto mo ay hindi ka sumasagot. You're not answering your phone too. Buti nalang tinawagan ko muna si Eli bago magreport ng missing person."


"S-sorry. Biglaan lang talaga kasi. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko kagabi," naiiyak kong sabi na para bang lahat ng pinigilan kong iyak simula kagabi ay napuno na at hindi ko na mapigilang mailabas ngayon.


Naramdaman kong dahan dahan na niya akong hinatak palapit sakanya tsaka ako niyakap.


"Sorry. Nag-alala lang talaga ako sayo kasi kahapon masama yung pakiramdam mo tapos bigla ka nalang nawala," sabi niya ng mahinahon na.


Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now