Chapter 23

24 2 9
                                    

"Hon, busy ka? Tara kain tayo kasama sila mama."


Napahinto si Kenzo sa ginagawa niya sa laptop niya at tumingin saakin.


"Biglaan ata? Anong meron?" Nagtatakang tanong ni Kenzo.


Nagkibit balikat lang ako at umupo sa kama niya. "Wala lang. Namiss ko lang sila."


"Wala ka bang gagawin?" Tanong ni Kenzo at humarap ulit sa laptop niya para ipagatuloy yung ginagawa niya kanina.


"Wala naman. Ikaw ba? Busy ka ba?" Tanong ko at nagtilt pa ng head para masilip kung ano yung ginagawa niya mula sa laptop niya.


"Hindi naman. Tapusin ko lang ito tapos alis na tayo," sabi niya kahit mukhang busy siya.


"Sigurado ka? Okay lang kahit hindi ngayon, mukhang busy ka eh," sabi ko tsaka lumapit na sakanya. Nakita ko naman na nasa email na siya ngayon at may sinasend ng file.


"No, it's okay. Minsan lang mag-aya yung misis ko eh," sabi niya at tiningnan ako habang nakangiti.


Totoo naman, sa sobrang busy ko ata dinaig ko pa siyang nagtratrabaho na. Para ngang mas wala akong time para gumala dahil pag nag-aaya siya lagi akong humihindi dahil may kailangan akong gawin o may pasok ako tapos pag natutuloy naman yung gala namin, sobrang bilis lang, like kain lang sa labas kasi nga may deadline pa ako.


Nagbihis na ako sa kwarto ko at ininform ko na rin si mama na kakain kami sa labas. Exakto naman na nandoon din si Julie at Jayden kaya sinabi ko na rin na isama na sila.


"Akala ko ba si mama at Julie lang?" Tanong ni Kenzo pagkita namin kila mama na kakarating lang sa restaurant na pinareserve ni Kenzo.


"Ay? Hindi ko ba nasabi sayo? Hahaha. Surprise!" Tumawa ako at tumayo na para batiin sila.


"Ate Elle!" Sigaw ni Julie tsaka yumakap saakin.


"Hi, Julie!" Niyakap ko rin siya pabalik.


"Nakakatampo ah, ako kapatid mo dito," sabi ni Kenzo tsaka binuhat si Julie.


"Ahh, Kuya Kenzo! Hahaha." Tumawa pa si Julie habang buhat buhat siya ng Kuya Kenzo niya. Natawa naman ako habang tinitingnan sila tapos nagmano na rin kay mama.


"Hi ma!" Nagmano at hinalikan ko sa pisngi si mama. Nginitian naman niya ako at nabaling na yung atensyon ko kay Jayden na nasa likuran ni mama. "Hi, Jayden."


Nakipagfist-bump pa ako pero tiningnan lang niya ako na may pagtataka. "What's your deal?"


"Sungit. Sumbong kita kay ano eh," asar ko sakanya.


Nagtaka pa siya nung una pero bigla naman nanlaki yung mga mata niya sa gulat nung napagtanto kung sino yung tinutukoy ko.

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now