Chapter 21

23 2 4
                                    

"Kenzo Joy!"


Galit akong bumaba mula sa kwarto ko para hanapin si Kenzo.


Walanghiya kasi! Pagkatingin ko sa salamin kanina pagkapasok ko ng C.R. kitang kita kong may chikinini sa leeg ko, at hindi lang isa! Huhu may pasok ako ngayon!


Napalitan ng gulat yung itsura ko nung nakita ko si Edwin na umiinom ng kape sa dining namin. Agad ko naman tinakpan yung chikinini sa leeg ko tsaka nahihiyang ngumiti sakanya, ngumiti din naman siya saakin.


"Hi, si Kenzo?" Tanong ko.


Imbis na sagutin niya ako ay tumingin lang siya sa gilid kung nasaan yung kusina.


"Oh, hon? Good morning," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. "Maaga ba pasok mo ngayon? Pasenysa na kung nagising ka namin ah. Ito kasing si Edwin, ang aga aga, nangagambala eh."


"Salamat sa pagluto, pre," nakangiting sabi ni Edwin tsaka kumuha na ng pandesal na pinalaman sa itlog.


"Mabulunan ka sana." Inirapan naman siya ni Kenzo at tumingin saakin na may ngiti. "Kain ka na."


Tiningnan ko lang siya nang masama tsaka hinila na papasok sa kusina.


"Tingnan mo yung ginawa mo," nangigil ko pang sabi tsaka pinakita sakanya yung ginawa niya.


"Oh that," sabi niya at nagsmirk pa. "Yeah, I did that."


Hinampas ko siya para mawala yung ngiti niya sa mukha pero ang loko, tumawa pa. "Kenzo! May pasok pa ako!"


"Anong gusto mong gawin ko? Sipsipin ko ulit para mawala? Hahaha I don't think that's how it works, hon," sabi niya pa kaya natanggap nanaman siya ng hampas saakin.


"Isa, Kenzo!" Inis kong sabi sakanya, kagabi pa namumuro eh. 


"Hahaha. Okay, okay. Sorry," sabi niya at naglakad na papuntang refrigerator para kunin yung cold compress sa freezer. "Ipatong mo lang dyan for ten minutes para lumiit yung bruise. Then lagyan mo nitong aloe vera gel."


"Okay," sabi ko at pinatong na muna yung cold compress sa spot kung saan yung chikinini ko tsaka lalabas na sana ng kusina nang hawakan niya yung bandang siko ko para pigilan ako kaya napatingin ulit ako sakanya. 


"Sorry nga pala ng dahil sa nangyari kagabi," sabi niya. 


"Wala yun," sabi ko at inalis yung kamay niya sa siko ko. "Meron kasi akong iba kaya ayokong may mangyari saatin."


"Eleanor," mahinahon niya akong tinawag pero tiningnan ko lang siya nang masama at umalis na. 


Umagang umaga, pinapakulo niya yung dugo ko!


Pagkalabas ko ng kusina ay nakita ko pang napatingin saakin si Edwin at napansin yung cold compress na nasa leeg ko. Umiwas siya nang tingin tsaka ngumiti kaya naman nakaramdam ako nang hiya at tumakbo na palabas ng dining room.

Chained To You (Fate Series #4)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα