Chapter 11

58 6 18
                                    

"Mommy, daddy, una na po kami."


Niyakap ko na silang dalawa tsaka si Aunt Gayle bago kami tuluyang pumasok sa sasakyan.


"Ingat kayo ah. Nga pala, Elle, kailan ka free?" Tanong ni Aunt Gayle.


"Hindi ko pa po alam eh pero wala po akong schedule this weekend. Bakit po?" Tanong ko.


"Good. Christmas shopping tayo hehe. Sama natin si Kitkat," nakangising sabi ni Aunt Gayle.


"Free po siya?" Gulat kong tanong.


"Free yun. Akong bahala," sabi ni Aunt Gayle at sabay kaming natawa. Si Aunt Gayle talaga oh. Napatingin ako sa gawi nila daddy na kausap ngayon si Kenzo, bigla naman siyang napatingin saakin kaya umiwas kaagad ako nang tingin at mukhang hindi lang si Kenzo yung nakapansin nun. "Huy. Narinig ko kayo ni Kenzo seryosong kagabi na nag-uusap ah. May problema ba?"


Umiling ako. "Wala po."


Actually nasagot na nga yung problema ko eh. Hindi nga lang yung sagot na gusto ko.


"Sure?" May pag-aalala sa tanong ni Aunt Gayle at tumango naman ako kaya hindi na ulit siya nagtanong about doon. "May regalo ka na ba sakanya?"


"Wala pa nga po akong regalo sainyong lahat eh hahaha. Pwede po bang hug talaga?" Pabiro kong tanong kaya binatukan niya tuloy ako.


"Mga kalokohan mo talagang bata ka haha bawal!" Sabi ni Aunt Gayle kaya mas lalo akong natawa. "Saamin ka lang naman gagastos eh. Sa asawa mo kahit anak lang, okay na."


"Aunt Gayle!" Nanlaki pa yung mga mata ko habang nakatingin sakanya kaya siya naman ang tumatawa ngayon.


"Joke lang hoy! Hahahaha. Wag muna! Hindi pa ako ready maging tita lola. Baka patayin ako ng tatay mo pag nalaman ako may pakana sa regalo mo sa asawa mo," tawang tawang sabi ni Aunt Gayle.


"What gift?" Bigla namang lumapit si Kenzo saamin kasama nila mommy at daddy.


"Kung gusto mo raw ba ng-- aray!" Kinurot ko na yung tagiliran ni Aunt Gayle bago pa siya makapagsabi ng kung ano. Jusko. "Hoy, Eleanor. Tita mo ako."


"Ay sorry po. Alis na po kami, mano po," sabi ko at magmamano na kay Aunt Gayle.


"Hoy! Wag ka magmano! Ew!" Agad nilayo ni Aunt Gayle yung kamay niya saakin, natawa naman ako doon.


"Oh, makatita ka kasi kanina tapos ngayon ayaw mo naman nagpapamano," sabi ni daddy tsaka lumapit saakin para magpaalam ulit saamin.

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now