Chapter 26

11 1 0
                                    

"Aish!"


I hissed dahil sa sakit ng ulo ko. Mukhang napasobra ata ako ng inom kagabi. Dahan-dahan akong umupo sa kama dahil sobrang sakit ng katawan ko lalo na sa ibabang parte ko.


Wait..?


Nawala yung antok ko sa biglang sumagi sa utak ko. Napatingin ako sa sarili ko sa ilalim ng comforter at takte, wala akong saplot pang-ibaba! Tanging oversized white shirt lang yung soot ko, pati bra, wala! Bumigay na ba ako? Binigay ko na ba?


Unti-unting nanumbalik lahat ng ala-ala ko kagabi at napasabunot nalang ako sa sarili ko ng maalalang ako pa talaga yung nag-initiate.


"Good morning," biglang sabi ni Kenzo na kakapasok lang at may dalang breakfast tray pero hindi yun yung nakakuha ng atensyon ko kundi yung biceps niya na kitang kita dahil nakasoot lang siya ng white sando and grey jogger pants. Napalunok naman ako at agad umiwas nang tingin nang may biglang maalala. "Gigisingin na sana ki--"


"Teka! Dyan ka lang!" Agad akong aalarma nung napagtantong lumalapit na siya papunta saakin. Eh wala nga akong underwear! Mas lalo ko namang tinakpan yung katawan ko ng comforter at umatras palayo sakanya.


Napahinto naman siya sa paglalakad at tiningnan ako na may pagtataka pero napangiti naman nung may napagtanto at naglakad na ulit palapit saakin. Binaba niya yung breaskfast tray sa bed side table. May laman yun na egg, bacon, toasted bread, milk, tapos mag hang-over medicine pa.


Umupo siya sa kama habang tinitingnan ako. "Masakit pa ba?"


"H-huh?" Tanong ko at inayos yung pagkakatakip ko sa katawan ko.


Mas lalo siyang napangisi sa ginawa ko. "Why are you covering it? Nakita ko naman na yan."


Nanlaki yung mga mata ko at naramdamang uminit yung pisngi ko sa kahihiyan. "Kenzo!"


Tumawa siya at hinalikan ako sa noo ko. "Cute mo, hon hahaha. I made breakfast for you, dito ka na kumain then uminom ka na rin ng hangover medicine mo."


"Okay. T-thanks." Tumango ako at tipid na ngumiti sakanya nung sinetup na niya yung breakfast table sa kama. Tiningnan ko yung pagkain at tiningnan siya na nakatitig saakin. Ngayon ko lang napansin na bakat din pala yung abs niya dahil manipis lang pala yung sando niya. Umiwas ulit ako nang tingin tsaka napalunok. Ano ba naman ito? Umagang umaga, nakakaramdam ako ng kakaiba. "B-bakit?"


Ngumiti siya at umiling. "Ang ganda lang ng misis ko."


Naramdaman ko ang pag-init at pamumula nanaman ng pisngi ko. Ano kayang maganda yung sinasabi niya? Baka nga may tuyong laway pa ako at gulo-gulo pa yung buhok ko eh huhu.


Unti-unti na siyang lumapit saakin para halikan ako sa labi pero agad kong tinakpan yung bibig ko at umiling kaya nataka siya.


"Hindi pa ako nagtotoothbrush," sabi ko habang nakatakip pa rin yung isang kamay ko sa bibig ko.

Chained To You (Fate Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon