Chapter 12

56 5 9
                                    

"Bumabakod si mister? Hahaha pucha. Sabihin mo sakanya, amin muna bago bakod."


Nandito ako ngayon sa apartment ni Kitkat, nakikitambay.


"Kanino naman niya ako binabakuran?" Tanong ko dahil sa pagkakaalam ko, wala naman nagkakagusto saakin so saan at kanino naman niya ako binabakuran.


"Duh. Sa ganda mong yan, for sure may nagkakagusto saiyo at napapansin yun ngayon ng asawa mo. Or should I say, kaibigan mo," sabi niya tsaka tumawa.


Inirapan ko siya at nagcellphone nalang dito sa sofa habang naghahanda siya ng meryenda doon sa kusina niya.


"Pero wag kang umasa ah. Baka mas masaktan ka niyan," sabi niya sabay lapag nung mga baso at pitchel na may lamang ice tea sa center table.


"Alam ko. Kaya as much as possible, iniiwasan ko na siya eh." Uminom ako ng ice tea tsaka napangiwi at kumuha ng pizza. "Pero siya naman itong lapit ng lapit. Hindi ko nga rin alam eh."


"Hindi ko rin alam tehh. Kakaiba yung asawa mo eh. Hilig magbigay ng mixed signals, pati ako nalilinlang," sabi ni Kitkat tsaka binuksan yung T.V. niya para makapanood na kami ng netflix. "Ang alam ko lang ngayon is you deserve better than a guy who can't give you any assurance na mahal ka niya."


"Pero ang hirap eh." Napapout ako.


"Dahil nasa iisang bahay kayo?" Tanong niya.


"Dahil hanggang ngayon umaasa pa rin akong may feelings siya saakin. Yun yung pinapakita niya eh," sabi ko sabay pout. "Mali ba itong nararamdaman ko?"


"Hindi," agad niyang sinabi habang nakakunot yung noo. "Bakit naman magiging mali? Kung ako rin naman yung nasa posisyon mo at may nagpapakita ng motibo saakin. Ganyan din ang mararamdaman ko, ganyan din ang magiging reaksyon ko. Siguro kontrollin mo nalang dahil ngayon alam mo na na mahilig siyang magbigay ng mixed signals."


"Hay. Ang hirap kontrollin. Parang mas lalo pa nga akong nafafall eh," sabi ko. 


"Hay. Kaya ako kay Wonwoo lang ako eh," sabi niya kaya nahampas ko siya ng unan.


"Gaga hahahaha," sabi ko at sabay kaming tumawa.


Nanood na kami ng isang romance movie sa netflix pero yung utak ko ay na kay Kenzo pa rin.


"Kitkat. Mahirap ba akong mahalin?" Biglang anong ko sakanya pagkatapos ng palabas.


"Saan naman nangaling yan? Hahaha," natatawang tanong niya.


"Bakit sa movie, ang bilis lang nila magkainlovan? Bakit ang bilis lang mapaamin nung guy na mahal niya si girl? Dahil ba okay lang na mawala ako kaya mixed signals lang ang kaya niyang ibigay saakin?" Tanong ko kahit na alam kong hindi nagmamake sense.


"Gaga, saan nangagaling yan? Haha. Alam mo, horror nalang ang panoorin natin para imbis na yang complicated lovelife mo ang iniisip mo buong magdamag, yung multo nalang sa cabinet mo ang iisipin, madadala mo pa ito hanggang panaginip," sabi ni Kitkat tsaka namili nga ng horror movie. Putek.

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now