Chapter 18

36 2 5
                                    

"Huy, tara na! Ayaw niyo pang lumangoy?"


Pagkababa namin sa may pool ng hotel ay nakita na namin sila Naomi at Aika na nasa kiddie pool na. Cute nga ng soot nilang mag-ina eh, matchy yung kulay haha.


Sila Mia at Kim rin ay kakarating lang din dito at nag-aayos pa sa lounge beach chair nila sa pool side lang. Pumili na rin kami ng upuan namin ni Kenzo at doon nilapag yung mga gamit namin.


Naka-oversized shirt pa ako at sa ilalim nito ay short-sleeve one-piece rash guard lang naman na shorts. Medyo conservative pero may shape pa rin naman. Kahit payat kasi ako, hindi ako comfortable na magsoot ng revealing clothes eh.


"Hindi ka pa ba lalangoy, Elle?" Tanong ni Mia kaya napatingin ako sakanya at medyo nagulat sa soot niya.


"Uh.. mamaya," sabi ko at ngumiti ng tipid.


Alam ko naman na sexy si Mia pero mas lalo ata akong nainsecure sa soot niya ngayon na red two-piece triangle bikini. Napatingin naman ako kay Kim na may soot na black beach short at black bikini top.


"Asan sila--" Hindi na natapos yung itatanong sana ni Kenzo kay Naomi nang bigla siyang tinulak ni Edwin pero agad nakabawi si Kenzo at nahila kaagad si Edwin at sinama sa pagkahulog niga sa pool.


Agad akong tumayo at lumapit doon para I-check kung okay lang sila.


"Tangina, hoy!" Sigaw ni Edwin.


"Hon, si Edwin!" Nag-aalalang sabi ko nung nakitang hindi makaahon si Edwin. Nagrespond kaagad si Kenzo at pinuntahan yung kaibigan.


Muntikan pang malunod si Edwin sa sarili niyang kagagawan. Paano ba naman, sa nasa may 7 feet pala sila nahulog. Kaya ang ending, si Edwin pa yung nagmukhang biktima dahil mas marunong lumangoy si Kenzo.


"Oh gago. Ang bilis talaga ng karma hahaha," sabi ni Kim tsaka tumawa.


"Uy! Okay lang kayo?" Tanong ni Gino pagkakita niya sa lagay nung dalawa tsaka tumawa. "Anong nangyari dyan? Hahahaha sweet niyo naman."


"Bobo eh. Hindi marunong lumangoy," sabi ni Kenzo tsaka tumawa habang nasa likod niya pa rin si Edwin at nakakapit sa leeg niya.


"Tama na ang satsat, dalhin mo na ako doon," sabi ni Edwin. Dinala nga ni Kenzo sa mababaw pero pagkarating doon ay biglang tinaob niya na ito. "Tangina, sakit sa ilong!"


Tumawa lang si Kenzo tsaka umahon na sa swimming pool.


Agad akong lumapit sakanya para iabot yung twalya pero nabigla ako nang bigla niyang hinubad yung t-shirt niya sa mismong harap ko kaya agad akong umiwas nang tingin at umalis sa harap niya.


Nakita ata yun ni Kim dahil bigla nalang siyang natawa. "Tanginang yan. Nagstrip sa harapan ng asawa."


"Huy, mamaya na yan, may mga bata pa dito oh," sabi pa ni Mia sabay takip ng mata niya.


Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now