Chapter 9

75 7 22
                                    

"Ako ng bahala dito."


Naalimpungatan ako nung may narinig na mga boses at naramdamang may kamay na pumapalupot na sa likuran ko.


"Kenzo?" Tawag ko sakanya while I'm still half asleep.


Napahinto siya sa ginagawa niya at nagkatitigan kami saglit bago niya inalis yung kamay niya sa likuran ko sabay iwas nang tingin at tumayo na.


Umupo na rin ako habang pinoproseso pa yung nakita ko kanina dahil kakagising ko lang. Nang biglang sumagi sa isip ko na para niya akong hahalikan kanina sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Omg.


"Bubuhatin na sana kita papunta sa kwarto mo since nakatulog ka nga dito sa sala. Eh kaso nagising ka," paliwanag niya.


Oo nga. Bakit ko ba naisip na hahalikan niya ako? Haha. Porket magkalapit lang yung mukha, hahalikan na agad? Buti nga nagmamalasakit yung tao, Elle kahit na mukhang kakagaling lang niya sa trabaho dahil hindi pa siya nagbibihis.


"Omg, anong oras na?" Bigla kong tanong nang maalala kong magluluto pa pala ako ng dinner.


Napatingin ako sa wall clock namin dito sa sala at nakitang lagpas 7 na pala.


"Hala! Hindi pa ako nagluluto! Sorry, teka. Ano bang gusto mong kainin?--"


"It's okay. I already ordered a takeout," sabi niya at bago pa man ako magsalita ay may nagdoorbell na. "At mukhang ayan na nga. Teka lang."


Lumabas na siya para kunin yung inorder niyang take out habang ako ay nakaramdam ng guilt dahil minsan  na nga lang siyang magsabi na kakain siya dito sa bahay tapos tinulugan ko pa siya. Aish!


"Ayaw mo ba ng fried chicken?" Tanong ni Kenzo nung napansin niya atang wala akong ganang kumain dahil nga naguguilty pa rin ako.


"H-hindi. Naguguilty lang ako na nakatulog ako at hindi kita naipagluto," malungkot na sabi ko sakanya.


"Bakit ka naman maguguilty doon?" Mukhang nalilito pang tanong niya.


"Kasi... minsan ka na nga lang magsabi na dito ka magdidinner tapos hindi pa kita naipagluto," sabi ko habang nakayuko.


Narinig ko pa yung pagngisi niya kaya napatingala ako para tingnan siya. Nilagay niya yung dalawang siko niya sa lamesa at tumingin saakin.


"Oh sige. Lagi nalang ako dito kakain ng dinner para hindi ka na maguilty na hindi mo ako napagluto ngayon at para maipagluto mo pa ako, pag may time ka lang ah, wag palagi. Alam kong pagod ka rin sa school mo kaya nga ako naghire ako ng katulong eh para hindi ka na masyadong gumawa ng gawaing bahay eh," paliwanag niya.


"Pero--"


"You're my wife not my servant so stop feeling guilty about it and eat," nakangiti pang  sabi niya tsaka nagpatuloy kumain.

Chained To You (Fate Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora