Chapter 2

232 12 76
                                    

"Sure ka na ba? Magpapakasal ka talaga sa lalaking hindi mo kilala?"


Kasama ko ngayon si Eli dito sa dorm ko. Binisita niya kasi agad ako matapos niyang malaman na magpapakasal na ako.


"May choice pa ba ako?" Tanong ko kay Eli sabay bigay sakanya ng coke mismo ko sa ref at umupo sa tapat niya.


"Kahit naman wala kang choice, ipipilit mo pa rin yung gusto mo eh. So ibigsabihin ba nito, gusto mo rin namaikasal na agad at sa lalaking hindi mo pa kilala? Ikaw ba talaga yung kakambal ko?" Tanong niya ulit na halatang hindi makapaniwala sa naging desisyon ko.


Kahit naman ako eh, hindi pa rin ako makapaniwala sa naging desisyon ko.


Pero andyan na eh, paninindigan ko nalang. Tsaka magiging malaking tulong ito sa pamilya namin. Mukhang hindi pa nga alam ni Eli yung tungkol doon sa problema ng pamilya namin eh. Siguro ayaw pang ipasabi nila mommy kay Eli dahil baka mamroblema siya at maapektuhan yung pag-aaral niya.


Napairap nalang ako sabay inom nung coke mismo ko. "Pag kasi hindi ako pumayag, kukulit kulitin ulit ako nila daddy at may ipapakilala naman. Edi para tumigil na sila, pumayag na ako. Tsaka, mukhang mabait naman si Kenzo eh, malay mo magwork."


"Paano mo naman nasabing mabait siya? Have you met the guy before?" Tanong niya sabay inom nung coke niya.


"Hindi," sabi ko at napatingin sakanya. "Feel ko lang."


Natawa siya sa sinabi ko. "Sabi mo eh. Hindi na ako magugulat kung wala pang isang taon, hihiling ka na ng annulment."


"Eli!" Inis kong sabi tsaka kumatok sa wood ng three times.


Tumawa ulit siya at naglakad papunta sa fridge ko tsaka binuksan iyon. "Wala ka man lang bang pagkain? Nagugutom na ako."


"Bumili ka sa baba," sabi ko sakanya.


"Grabe ah. Ganyan mo pala itrato yung mga bisita mo. Very non-wife material," sabi niya at umiiling iling pa.


"Che! Umalis ka na nga! Mag-aaral pa ako," sabi ko at tumayo na para pumunta sa study table ko pero ang mokong, humiga pa nga sa kama ko."


Pinabayaan ko nalang siya doon at sinubukang ituon yung pansin ko sa librong binabasa ko pero hindi ko man lang matanggal sa isip ko na engaged na ako at anytime this year, may asawa na ako.


Simula pagkabata, never sumagi sa isip kong magpapakasal ako. Ni magkaboyfriend nga, hindi ko pa masyadong iniisip eh. Gusto ko lang talaga makapagtapos para mapatunayang kaya ko rin kahit na hindi ako ganun katalino at para rin makatulong na kila mommy at daddy. Hanggang ngayon nga na magpapakasal ako yun pa rin yung nasa isip ko eh, ang makapagtapos.


"Elle? Elle?"


Nabalik nalang ako sa realidad nang tawagin ni Tita Marg yung pangalan ko. Tumingin ako sa paligid at nandito kami ngayon sa isang restaurant kasama ng pamilya ko at pamilya ni Kenzo, who is sitting infront of me and judging me right now.

Chained To You (Fate Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang