Chapter 13

54 4 11
                                    

"Naglayas ka? Bakit? Anong nangyari?"


Pumasok na ako nang tuluyan sa apartment ni Kitkat dala dala yung maleta ko.


Kinabukasan ay sinigurado ko munang nakaalis na si Kenzo bago ako umalis at pumunta sa apartment ni Kitkat. Sinabihan ko na rin sila Ate Len at Ate Tina na sa isang kaibigan muna ako ngayon mananatili pero hindi ko sinabi kung sino, baka biglang sunduin ako ni Kenzo noh.


"To avoid distractions," simpleng sabi ko.


"Ay wow. From inspiration to distraction, real quick," sabi niya sabay halukipkip.


Hindi ko na siya pinansin at inayos na yung gamit ko sa kwarto niya. Hindi naman siya nagtanong ng detailed dahil alam naman niya na umiiwas ako ngayon, ang hindi lang niya alam ay yung lastest na nangyari na wala naman akong planong ikwento dahil ang focus ko lang ngayon ay nasa exams ko.


Hindi ko sinabi kila mommy yung sitwasyon namin ni Kenzo ngayon kahit na halos araw araw pa rin silang tumawag. Ayokong dumagdag pa ako sa alalahanin nila tsaka problema ko ito eh, ayoko na silang idamay. Tsaka ayoko rin mapahamak si Kenzo, mabait naman siya saakin kahit papaano eh kaya nga napagkakamalan kong may feelings na rin siya saakin.


Halos isang linggo ako nanatili sa apartment ni Kitkat, hindi naman siya nagreklamo dahil gusto niya rin naman dahil may taga luto na siya. Maliit lang yung apartment niya pero sakto lang naman para saaming dalawa. 


"Mommy. Daddy."


Nagulat nalang ako dahil isang araw pagkatapos ng exams ko ay naabutan ko si mommy at daddy sa apartment ni Kitkat. Lumapit saakin si mommy tsaka ako niyakap ng mahigpit. Napatingin ako kay Kitkat at tinanong sakanya gamit ang mga mata kung anong nangyayari pero nagkibit balikat lang siya at nanatiling tahimik sa isang tabi.


"A-ano pong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko. Alam na kaya nila? Paano nila nalaman?


Humiwalay saakin si mommy at bigla akong hinampas. "Bakit hindi mo sinabing may problema kayo ni Kenzo?! Tapos naglayas ka pa?!"


"Baka pwede pang maayos. Ano bang nangyari sainyo? Sinasaktan ka ba niya, anak? Binubugbog? Anong ginawa niya sayo?" Tanong ni daddy.


Umiling kaagad ako. "Hindi po. A-ako lang po yung nagkusang umalis muna sa bahay. Mabuti pong asawa si Kenzo."


"Oh yun naman pala eh. Bakit ka andito? Gumagawa ka lang ng gulo," sabi ni daddy. 


"Pero daddy-"


Agad akong tumakbo papunta sa kusina nung napansing nahihirapan siyang huminga at kumuha ng tubig.


"Daddy, yung puso mo po," nag-aalalang sabi.


Chained To You (Fate Series #4)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें