Chapter 16

40 2 6
                                    

"Gusto mo nyan?"


Lumapit saakin si Kenzo at tiningnan din yung dress na tinitingnan ko dito sa UNIQLO.


"Oo. Para kay mommy sana. Sa tingin mo, bagay sakanya?" Tanong ko.


"Oo naman," sabi niya at tumingin tingin pa ako ng iba habang si Kenzo naman ay tumitingin tingin din sa mens section para sa sarili niya.


Sa tagal kong mamili ay nakapagbayad na si Kenzo ng sakanya. Dami nga niyang pinamili eh pero hindi ko na kinwestyon baka para sa sarili niya yun o sa mga kaibigan niya. Nag-offer pa nga siya na siya na raw magbayad nung akin, hindi naman ako pumayag dahil may sarili akong pera noh.


"Para kanino yan? Kay mommy at sayo?" Tanong ni Kenzo nung nasa counter na kami.


"Nope. Kay mama at mommy ito," sabi ko sabay turo sa dress para kay mama at mommy. Magkaiba naman sila ng design. Cute kasi parehas eh tapos maganda pa yung tela.


"Hindi ka bumili ng para sa sarili mo?" Tanong niya.


"Hindi. Ang mahal kaya. Tara na," sabi ko at naglakad na paalis doon para pumunta na sa ibang store.


Sumunod naman yung store ng Giordano dahil gusto ni daddy dito mamili ng damit niya kaya nga siguro minsan lang nakakabili si daddy ng bagong damit para sa sarili niya dahil yung gusto niya ay mahal, branded kasi.


"Sa tingin mo, Large or Extra Large si daddy?" Tanong ko kay Kenzo habang tinitingnan yung polo shirt na kulay Emerald green.


"I think, Extra Large," sabi ni Kenzo.


"Sumbong kita," pabiro kong sabi sakanya at nagsabi na sa saleswoman sa size na hinahanap ko. Hindi naman kasi mali si Kenzo, may pagkachubby kasi si daddy tapos matangkad pa haha.


Nagulat naman ako na pagkatapos kong bumili ay bumili rin si Kenzo. Hindi pa pala siya tapos? Akala ko okay na yung mga pinamili niya sa UNIQLO haha. Iba talaga pag mayaman.


Sunod ko naman binili ay si Eli, t-shirt lang sakanya galing Regatta tapos si Aunt Gayle at Kitkat ay lip tint galing cosmetics store ni mama. Parang gusto ko nga rin bumili ng makeup para saakin eh. Kaso kulang budget ko, maybe next time.


"Ako na dyan," sabi ni Kenzo tsaka kukunin na sana yung mga paper bags na hawak hawak ko pero nilayo ko ito.


"Hindi na. Kaya ko naman eh tsaka dami mo ng hawak oh. Ako na dito, para naman mafeel ko na nagshopping ako," masayang sabi ko.


"Wala ka ngang pinamili sa sarili mo eh," sabi niya.


"Masaya pa rin ako noh," sabi ko at nagpatuloy na maglakad 


Tinulungan ko na rin siyang pumili ng mga regalo para sa mga kaibigan niya which apparently hindi pa pala niya nabibilhan kahit na ang dami na niyang nabili. Jusko. Binilhan na rin namin ng regalo na damit sila Julie at Aika na inaanak pala ni Kenzo. 

Chained To You (Fate Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon