Chapter 8

109 7 22
                                    

"Pasensya ka na sa kwarto ko ah. Medyo makalat at masikip."


Dito na muna kami magpapalipas ng gabi dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan pagkauwi naming galing court. Naligo na rin siya at pinahiram siya ni Eli ng damit kaya may time pa akong linisin ng konti yung kwarto ko.


Inayos ko na yung kutyon at comforter na hihigaan ko sa baba at pinagpag na yung kama ko dahil dito sa matutulog, alanganaman tabi kami, diba? Maliit na nga yung kama ko, magsisiksikan pa kami doon? Tsaka, asa naman akong magtatabi kami ngayong gabi.


Medyo malinis naman yung kwarto dahil nililinis din daw ito ni mommy from time to time.


Napatingin naman ako sakanya na tinitignan na ngayon yung mga nakasabit sa maliit na bulletin board ko dito sa kwarto. Puno lang naman iyon ng mga to-do lists, inspirational quotes, and ilang pictures ko nung high school ako na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tinatanggal dyan. Nilagyan ko pa nga ng space para sa college life ko sana kaso tinamad na akong lagyan tsaka lagi naman akong wala dito eh.


"Pangarap mo talagang maging nurse noh?" Tanong niya.


"Yeah. My Aunt Gayle inspired me. Nurse kasi siya sa U.S. and bukod sa marami siyang natutulungan by being a nurse ay nalibot niya na rin yung buong mundo, nakapagpatayo na siya ng bahay, nakakabili na siya ng kahit anong luxury things, at nakakatulong na siya sa pamilya. Pinatunayan niya sa mga magulang niya na mali siya, na may mararating siya bilang isang nurse. Sobra sobra pa nga yung naabot niya eh," kwento ko sakanya tsaka napahinga ng malalim. "Ikaw ba? Pangarap mo ba talaga maging engineer?"


"Uhh.." Sumandal siya sa study table ko at parang nag-iisip ng isasagot niya. "To be honest, noong una, hindi talaga. May isang tao lang na nagsabing bagay akong maging engineer kaya yun yung tinake ko sa college. Pero don't get me wrong, I eventually loved engineering."


Natawa naman ako doon. "Dapat pala pasalamatan mo yung taong yun haha. Sino ba yun at ang lakas ng impact niya sayo? Hahaha. Si mama ba yun?"


He sneered and played with my stress ball. "My mom doesn't even care what I do in my life. Ngayon lang siya nagkaroon ng interest sa buhay ko dahil makakasira na yun sa reputasyon niya."


"What do you mean?" Kunot-noo kong tanong habang iniisip kung ano yung ibig niyang sabihin doon. "Tungkol ba yun sa kasal? Ganun ba talaga kabig deal yun na hindi ka ikasal before thirty na makakasira pa sa reputasyon ni mama?"


Lumapit siya saakin at biglang kinurot nang konti yung ilong ko kaya napapikit ako nang mairin. "Wala ka talagang alam sa asawa mo eh noh."


"Aray! Sorry na hahaha. Full storage na kasi itong utak ko sa mga human anatomy, physiology, psychology at kung ano pang ology na yan," sabi ko sabay tawa at natawa na rin siya. 


"Kaya pala may time ka pang magluto araw araw at kulitin akong kumain," sabi niya. 


"Syempre, ikaw yan eh," sabi ko at nagheart fingers. 


Pabirong umirap naman ang loko. "Matulog na nga tayo."

Chained To You (Fate Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon