Chapter 22

23 3 4
                                    

"Pwede niyo na po bang sabihin kung bakit nandito kayo?"


Natapos na yung duty namin at kanina pa kami dinismiss ng clinical instructor namin pero andito pa rin ako sa hospital para bantayan si mama. Pero kahit kaninang oras ng duty lagi ko siyang pinupuntahan, ako na rin nagpresintang mag-asikaso sakanya kahit na marami pa akong ibang gagawin para lang masiguradong okay siya.


"Ma?" Tawag ko ulit sakanya dahil kailangan ko ng sagot kung bakit ganun yung mga test results niya at mga sinasabi ng doctor sakanya kanina.


Kahit papaano kasi nakakaintindi na ako ng mga medical terms and results kaya alam ko kung may mali sa kondisyon ng pasyente.


Bumuntong hininga si mama na para bang no choice na siyang sabihin saakin yung totoo.


Malungkot at pilit siyang ngumiti saakin. "I'm dying, iha."


Napakurap ako ng ilang beses at pinproseso pa sa utak ko yung sinabi niya. Ano raw?


"P-po? Paano niyo naman po nasabi? Ma, wag naman po kayo magbiro nang ganyan," sabi ko na medyo natawa pero ang totoo nyan nanginginig na ako sa kaba na baka totoo yung sinasabi niya.


Medyo natawa naman siya at inayos yung pagkakasandal niya sa kama. "Sana nga nagbibiro lang ako but no. I really am dying. I have been diagnosed with autoimmune disease"


Autoimmune disease? Which one? Ang daming autoimmune disease pero sa pagkakaalam ko lahat yun ay hindi nacucure pero nacocontrol yung spread pag nagtretreatment yung tao.


Tiningnan ko ulit siya at ngayon ko lang napansin na pumayat nga siya at mukhang nanghihina. Hindi ko man lang napansin ito tuwing magkasama kami dahil sa sobrang jolly niya, hindi man lang niya sinasabi na may nararamdaman na pala siyang masama. Naalala ko tuloy noong Chinese New Year, nung nasa truck kami at nakita ko siyang parang nanghihina, hindi ko man lang yun pinansin dahil akala ko nadedehydrate lang siya, mas malala pa pala doon yung nararamdaman niya. Anong klaseng nurse ako na sarili kong pamilya hindi ko man lang maalagaan ng tama?


Magtatanong pa sana ako tungkol sa kondisyon niya nang biglang nagvibrate yung cellphone na hawak hawak ko.


Mister ko ❤ is calling


Kumunot yung noo ko sa Caller ID na nakaflash sa screen. Si Kenzo ito ah? Pero bakit ganito name niya sa contacts ko? Wala akong matandanag pinalitan ko ito.


Tumingin ako kay mama na napatingin din pala sa screen ng phone ko. Ngumiti ako na nahihiya. "Hehe si Kenzo po. Baka nandyan na po siya para sunduin ako. Teka, papasukin ko lang po siya para makita niya rin po kayo--"


Tatayo na sana ako at aalis para puntahan si Kenzo sa labas ng hospital pero agad hinawakan ni mama yung palapulsuhan ko.


"Wag mo munang sabihin sakanya," sabi ni mama at tiningnan ako na parang nagamakaawa. "Ako na magsasabi."

Chained To You (Fate Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon