Chapter 24

15 1 0
                                    

"I'm sorry, Mrs. Aguirre but you have to be confined in the hospital this time because the disease begins to spread faster, making you weaker and faint earlier. We're still conducting tests to know this disease."


Pinaliwanag saamin ng doctor kung ano yung mga nahahanap nila at possibilities na pwedeng sakit ni mama pero hanggang ngayon wala pa ring final diagnosis. Sabi, autoimmune daw pero hindi pa alam kung anong specific na autoimmune.


"Thank you, doc." Nagpasalamat na kaming lahat doon sa doctor ni mama at umalis na siya kasama yung iba pang doctor at nurse.


Nandito na kami ngayon sa PCH, Philippine Center Hospital, dahil dito yung hospital kung saan nagpapacheck-up si mama. Kanina nasa isang hospital sa Zambales kami pero nung umokay na yung pakiramdam ni mama at wala naman daw complication ay tinransfer na siya agad dito sa Manila, kulang din kasi yung facilities at mga gamit nila doon eh kaya mas makakabuting itransfer na siya.


Kami lang nila Tito Jude at Kenzo ang sumama sakanya habang sila mommy ay naiwan sa Zambales para ayusin yung mga gamit pero susunod naman din daw sila dito.


"I have to make a phone call for awhile. Do you need to get you anything? Okay ka lang ba dito?" Tanong ni Tito Jude. 


"No, it's okay, I'm fine. Andito naman sila eh," sabi ni mama at tumango naman si Tito Jude tsaka hinalikan yung noo ni mama bago umalis ng ward room ni mama.


"Pasensya na at nasira ko yung bakasyon dapat natin ah. Sabihin niyo kila Ems na doon na muna sila sa Zambalez. Kung gusto niyo bumalik na kayo dun para naman masulit yung break niyo," sabi ni mama.


"Nako, ma. Hindi naman po. Wag niyo na po yun aalahanin. Ang importante ay okay na po kayo ngayon," sabi ko kay mama at hinawakan yung kamay niya.


"Yun nga, okay naman na ako. Kaya bumalik na kayo doon at enjoyin niyo na yung swimming niyo lalo ka na, Elle. Graduation celebration mo yun eh," sabi ni mama na halos ipagtulakan na kami palabas ng ward room niya.


"Tsk. Sa tingin niyo po ba makakapagselebrate kami kung ganyan kalagayan mo? Tss, alam na ngang may sakit pero nagpakapagod pa rin. Pag kasi may nararamdaman, magsabi kaagad, hindi yung hihintayin pang may malalang mangyari," may pagkairita na sabi ni Kenzo.


"Hon," kalmadong tawag ko sakanya para kumalma siya.


"Kailan pa ba ito? Matagal na ba? Pucha, kailan mo balak sabihin saamin? O wala kang balak sabihin?" Inis na tanong ni Kenzo at hindi naman nakasagot si mama kaya sarkastikong tumawa si Kenzo sabay iling at lumabas nalang sa ward room ni mama.


Tumingin ulit ako kay mama na kitang kita sa mga mata niya nasaktan siya sinabi ni Kenzo kaya hinamas ko ng konti yung kamah niya gamit yung thumb ko. Ngumiti siya saakin habang naluluha pa rin yung mga mata niya.


"Nag-aalala lang po siya sainyo," sabi ko kay mama.


Nagkwentuhan pa kami ni mama pagkatapos nun pero hindi kalauna'y natulog na rin siya para magpahinga at dahil gabi na rin. Tatawagan ko na sana sila mommy para kamustahin sila pero kakahawak ko palang sa phone ko nang bigla itong tumunog kaya sinagot ko agad bago pa magising si mama.

Chained To You (Fate Series #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora