Chapter 20

30 2 5
                                    

"Nagbukas ka na ng Instagram?"


Nagtaka naman ako sa pambungad na tanong ni Kitkat pagkaupo ko sa dinning table para magbreakfast.


"Hindi pa," sabi ko at kinuha na yung plato na may kanin.


"Buksan mo na," pagpupumilit niya saakin.


"Eh mamaya na. Kumakain oh," sabi ko at kukuha na sana nung hotdog pero pinigilan niya ako at nakipagespadahan pa ng tinidor saakin.


"Buksan mo na," may pangigil niya pang sabi.


"Ano ba kasing meron?" Inis kong tanong sabay tayo at kinuha na yung phone ko na nakacharge sa isang sulok. Umupo na ulit ako sa tapat niya bago binuksan yung phone ko at pumunta sa Instagram habang nakangiting nakakaloko naman si Kitkat sa harap ko.


Nakita ko naman na may mga notifications akong natanggap, samantalang wala man akong pinopost o iniistory. Kaya tiningnan ko kung ano yun at nakita na may tinag saakin si Kenzo na post.


08Trinidad: Mrs. Trinidad ❤


Unang picture ay isa sa mga solo picture ko nung kasal namin, half body lang siya pero ang ganda ng detailed nung pagkakakuha dahil kuhang kuha lahat lalo na yung detailed ng wedding dress ko. Pangalawa hanggang pang-apat na picture ay yung mga solo pictures ko nung nag-Palawan kami, may candid at meron naman hindi pero lahat yun magaganda yung kuha. The rest were all candid shots ng mga dates namin recently pero yung dalawang pinakahuling photo ang pinakamatagalan akong titigan at inisip kung kailan niya yun kinunan. Yung isang photo ay mukhang nagluluto ako sa kusina habang siya ay nasa may counter ata kasi nakatalikod ako nun mula sakanya tapos yung pinakahuling picture naman ay ako rin na natutulog ng mahimbing, nasa couch pa nga ata ako nyan ng bahay eh.


Sampu yung mga photos pero lahat yun ay ako lang. Grabe, parang ginawa niyang album yung isang post na puro ako.


"Ganda ng umaga ng isa dyan oh," natatawang sabi ni Kitkat. "Flex na flex hahaha."


Hindi ko siya pinansin at nakatuon lang yung mga mata ko sa post habang nakangiti abot tenga.


"Kailan kaya niya ito kinuha?" Tanong ko kay Kitkat sabay pakita nung picture na natutulog ako. "Nakakahiya sinama niya pa ito."


"Sus pero kilig na kilig ka naman hahaha," asar pa ni Kitkat.


"Hala, hindi kaya," sabi ko habang hindi pa rin mapigilang hindi ngumiti. Pinakita ko pa yung nga pictures na kinunan ni Kenzo saakin sa Palawan. "Ganda nito oh. Siya yung kumuha nito eh."


"Tama na yan, nagiging mayabang ka na hahaha. Kumain ka na dyan," sabi niya pero hindi ko siya pinansin, nagbabasa pa ako ng mga comments eh. Dami na rin nagcomment na nagulat na may asawa na siya, nakita ko rin yung mga comments ng barkada niya.


dwnbrnd: May iba ka na pala. Akala ko, ako lang. 😭😠

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now